Janice Jurado sinagot kung kailan babalik sa 'Batang Quiapo': Hayaan na po natin si Direk Coco kung ano po ang pasya niya | Bandera

Janice Jurado sinagot kung kailan babalik sa ‘Batang Quiapo’: Hayaan na po natin si Direk Coco kung ano po ang pasya niya

Reggee Bonoan - August 19, 2023 - 08:19 PM

Janice Jurado sinagot kung kailan babalik sa 'Batang Quiapo': Hayaan na po natin si direk Coco kung ano po ang pasya niya
NAG-FACEBOOK live kagabi si Janice Jurado dahil gusto niyang sagutin ang mga sunud-sunud na tanong sa kanya kung kailan siya babalik sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil nabanggit niya rati na ‘hintayin ang sasabihin ni Direk Coco Martin.’

Base sa mga nabasa naming komento ay marami ang naghahanap sa karakter niyang Mama Janet bilang bugaling sa club kung saan nagta-trabaho sina Lovi Poe as Mokang at bff nitong si Toni Fowler bilang si Chicky.

Nauna na naming nasulat dito sa BANDERA na tinanggal na ang karakter ni Janice dahil sa nag viral na panayam nito na sinabing naging close siya sa namayapang si Da King Fernando Poe Jr at alam daw ito ng asawang pumanaw na rin na si Ginang Susan Roces.

Nagpaliwanag naman sa amin ang taga-ABS-CBN na hindi naman tinanggal si Janice kundi nawala na rin ang karakter niya dahil nabago na ang kuwento ng karakter ni Lovi dahil ikakasal na siya kay Christopher de Leon as Ramon bilang kabayaran sa pagbigay nito ng malaking halaga para sa operasyon ng amang si Mang Marsing played by Pen Medina.

Sa kanyang FB live ni Janice ay muli niyang ipinagdiinan na huwag pangunahan ang desisyon ni Coco.

“Ngayon lang po ako nag-live kasi mahirap mag-live nang hindi ka kundisyon sa katawan mo,” bungad ng aktres.

Isa-isa munang binati nito ang lahat ng mga kaibigang nagpapasaya at nagpapaalala sa kanya na kaya nito ang lahat ng problemang pinagdadaanan lalo na sa karera niya.

“Ngayon po ang maraming nagtatanong sa akin kung ako raw ay wala na sa Batang Quiapo, ‘wag nating unahan.  Meron po kasing plano,” pakiusap niya sa mga interesado sa karakter niya.

Baka Bet Mo: Hirit ni Janice Jurado: ‘Bakit atat na atat kayong mawala ako sa Batang Quiapo? Ayan wala na ‘ko! Wag kang kampante baka ikaw ang sumunod!’

Saka inaming, “may aalis (karakter) po, tapos sa matagal na panahon babalik po ‘yan, depende po ‘yan sa istorya.  Hayaan na ponatin si direk Coco.  Kasi nai-stress na rin po ako sa katatanong, katatanong, katatanong.”

At muling diin niya, “hayaan na po natin si direk Coco kung ano po ang pasya niya.  As far as I know, hindi naman po yata mawawala si mama Janet depende po sa kanya (Coco).”

Base sa sinabing may karakter na aalis at matagal na panahon bago bumalik ay halatang si Lovi ito kasi nga kasalukuyan itong naghahanda ito ng kanilang kasal ni Monty Blencowe at siyempre pagkatapos ng kasal ay may honeymoon pa ito kaya tiyak na matatagalan nga ang pagbabalik ni Mokang sa kuwento.

“Ang tagal kong hindi nakapag live ganu’n pala ‘yun kapag mayroon kang dala-dala sa katawan, meron kang bitbit-bitbit na sama ng loob, hindi ka makapag-concentrate kasi.

“These past few days parang ang bigat-bigat ng dibdib ko dahil sa mga balita, sa mga reporters (nag-iisip ng sasabihin), ‘wag po lahat ng nababasa n’yo ay paniniwalaan n’yo.  Hindi po lahat ng nababasa ninyo ay totoo.

“Marami po diyan ay dugtong-dugtong pero mali ang dugtong, di po ba. Nitong mga huling araw maraming nagba-bash na nagsasalita raw ako ng hindi maganda, hayaan na po natin ‘yun kasi hindi naman lahat mapi-please natin,” paliwanag ni Janice.

Sa kasalukuyan ay aminadong walang regular na kita ang aktres sa pagkawala niya sa Batang Quiapo kaya’t tipid-tipiran ang drama niya lalo’t nag-iisa siya sa buhay dahil ang mga anak naman niya ay may sarili ng pamilya.

Kaya hoping siya na makabalik siya sa “Batang Quiapo” soon.

Related Chika:
Janice Jurado tsutsugihin na raw sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco dahil sa rebelasyon tungkol kay FPJ

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Veteran actress Janice Jurado umaming nag-drugs nang magkabukol sa dibdib

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending