Heart mala-action star habang tinuturuan ni Chiz sa pagbaril; bumalik sa Sorsogon para mamigay ng ayuda sa 150 pasyente | Bandera

Heart mala-action star habang tinuturuan ni Chiz sa pagbaril; bumalik sa Sorsogon para mamigay ng ayuda sa 150 pasyente

Ervin Santiago |August 02,2023
facebook
share this

Heart mala-action star habang tinuturuan ni Chiz sa pagbaril; bumalik sa Sorsogon para mamigay ng ayuda sa 150 pasyente

Ervin Santiago - August 02, 2023 - 10:00 AM

Heart mala-action star habang tinuturuan ni Chiz sa pagbaril; bumalik sa Sorsogon para mamigay ng ayuda sa 150 pasyente

Chiz Escudero at Heart Evangelista

MAKALIPAS ang mahaba-habang panahon ay muling nakabisita ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa Sorsogon.

Nitong nakaraang linggo ay muling nakabalik sa naturang probinsya pagkatapos niyang mag-shooting doon ng Kapuso megahit series na “I Left My Heart in Sorsogon” noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Siyempre, kasama ng style icon at global fashion influencer ang husband niyang si Sen. Chiz Escudero sa muling pagdalaw sa Sorsogon, pati na ang kanyang kapatid na si Camille Ongpauco.

Ang pagpunta at pagbabakasyon ng celebrity couple sa nasabing probinsya ay bahagi rin ng pagse-celebrate nila ng kanilang 11th anniversary as a couple last Monday, July 31.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bagama’t much-awaited vacation nilang mag-asawa ang biyahe sa Sorsogon, tiniyak ni Heart na magkaroon siya ng panahon na makapiling ang kanilang mga mahihirap at nangangailangang mga kababayan.

Sa Gubat, Sorsogon nagpunta si Heart upang doon ay mamahagi ng bags of groceries, wheelchairs, medicines at iba pang mga gamit pambahay para sa may 150 pasyenteng nasa pangangalaga ng Cerebral Palsy Association (CPA).

Ang mga pasyenteng ito ay mga kabataang edad mula 2 to 16 taong gulang at nagmula pa sa iba’t ibang bayan ng Sorsogon.

Sila ay tinipon sa Gubat Municipal Hall at talaga namang ang mga kabataan ay tuwang-tuwa na makita at makausap ang dating tinaguriang first lady of Sorsogon nu’ng si Chiz pa ang nakaupong gobernador.

Pati ang mga magulang nila o caregivers ay obvious na na-excite at hindi na nakapagpigil na humingi ng selfie kasama ang Kapuso star.

Baka Bet Mo: Basher ni Heart tatakbong nakahubad sa buong barangay kung…

Nakakataba ng puso ang maiksing talumpati ni Heart kung saan sinabi niya na sila ni Chiz ay mga instrument lamang ng Panginoon upang maipamahagi ang mga biyaya ng langit at makatulong sa mga nangangailangan.

Nangako naman ang aktres na muli siyag dadalaw sa lalawigan kapag nagkaroon ulit ng pagkakataon. “I miss you all. I miss Sorsogon,” ang mensahe pa ni Heart.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Samantala, muli namang nag-bonding ang mag-asawang Heart at Chiz sa isang shooting range na matatagpuan sa isang lugar sa Sorsogon.

Sa isang video na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account, makikita ang mala-action star niyang moves habang nag-aaral bumaril sa tulong at gabay na rin ni Chiz.

“Firing,” ang tanging inilagay na caption ni Heart sa kanyang IG post.

Nauna rito, ibinandera rin ni Heart sa social media ang pamamasyal nila ni Chiz sa Rompeolas, Sorsogon kung saan lumafang sila ng iba’t ibang Filipino street foods.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Richard Yap nagpapayat nang bongga para kay Heart: Baka kasi sobrang laki ko pag katabi ko siya

#SaTamangPanahon: Paano nga ba nagkabati ang mga magulang ni Heart at si Chiz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending