Richard Yap nagpapayat nang bongga para kay Heart: Baka kasi sobrang laki ko pag katabi ko siya Bandera

Richard Yap nagpapayat nang bongga para kay Heart: Baka kasi sobrang laki ko pag katabi ko siya

Ervin Santiago |April 08,2021
share this

Richard Yap nagpapayat nang bongga para kay Heart: Baka kasi sobrang laki ko pag katabi ko siya

Ervin Santiago | April 08,2021 - 01:41 PM

TALAGANG pinaghahandaan na ng pinakabagong Kapuso actor na si Richard Yap ang unang pagtatambal nila ni Heart Evangelista.

Isa si Richard sa magiging leading man ng tinaguriang Queen of Creative Collaborations sa upcoming GMA romcom at fashion serye na “I Left My Heart in Sorsogon.”

Aminado ang aktor na magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa nalalapit na taping ng una niyang teleserye bilang Kapuso.

“Nakaka-excite talaga sa akin is working with Heart. Kasi dati rati pa, I’ve always looked up to her. She’s one of the fashion icons.

“At saka, talagang one of the leading ladies that I’ve always wanted to work with. I’m really excited na magkatrabaho kami,” pahayag ni Richard sa panayam ng GMA.

Bukod sa pagtatambal nila ng Kapuso star, excited na rin ang aktor na ma-explore ang napakagandang pribinsya ng Sorsogon kung saan nagsisilbi ang asawa ni Heart na si Chiz Escudero bilang governor.

Ipakikita sa “I Left My Heart in Sorsogon” ang ilang tourist destinations doon tulad ng Sorsogon State College Library, Pili farms at ang naggagandahang beach sa probinsya.

Sey pa ng leading man ni Heart, “And also, I’m really excited to go to Sorsogon because hindi pa ako nakapunta doon. I’ve been to other parts of Bicol like Legaspi, Albay pero hindi pa ako nakakapunta ng Sorsogon.

“It’s something new for me, and itong lock-in taping din, medyo matagal-tagal doon, so I’m sure we’ll be able to explore Sorsogon,” aniya pa.

Samantala, isa talaga sa ginagawang preparasyon niya ngayon ay ang pagpapaganda ng katawan para raw makasabay siya sa kaseksihan ni Heart.

“Well, ako nagpapapayat ako kasi si Heart is very petite. Baka masyado akong malaki tingnan kapag katabi ko siya.

“So kailangan magpapayat muna ako, magpakondisyon uli, ‘yun ang main goal ko ngayon before the lock-in taping,” kuwento pa ng aktor.

Sa isang panayam naman kay Heart, sinabi nitong looking forward na siya sa tambalan nila ni Richard, “I haven’t met him actually. I’ve never met him or spoken to him, but we do have common friends and they have really nice things to say about him.

“I’m very very excited because it’s so important for me to work with someone that’s nice,” chika ng Kapuso actress.

“I’m very excited and I really love his character. I can’t really reveal his character but I feel like I’ve known his character for so long. I can’t wait to work around his character,” dagdag ng aktres.

Very soon ay ibabandera na rin ng GMA kung sino ang napiling second leading man ni Heart sa serye, “I recently did a Zoom meeting and we did like a screentest where I met different actors. Ang gagagaling nilang lahat so I think they’re having a hard time choosing.

“Actually, it’s a beautiful love story. I’m very, very excited kung sino ‘yung isa pang leading man kasi parehong mabigat ‘yung character. They have to be equally amazing and talented and mahirap pumili,” dagdag pang chika ng misis ni Chiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending