Serye ni Heart lagot kay Sharon, sey ni Cristy Fermin: Naku maiiwan talaga ang puso niya sa Sorsogon | Bandera

Serye ni Heart lagot kay Sharon, sey ni Cristy Fermin: Naku maiiwan talaga ang puso niya sa Sorsogon

Reggee Bonoan |November 26,2021
facebook
share this

Serye ni Heart lagot kay Sharon, sey ni Cristy Fermin: Naku maiiwan talaga ang puso niya sa Sorsogon

Reggee Bonoan - November 26, 2021 - 02:17 PM

Serye ni Heart lagot kay Sharon, sey ni Cristy Fermin: Naku maiiwan talaga ang puso niya sa Sorsogon

“NAKU maiiwan talaga ang puso niya sa Sorsogon, ha, ha, ha, di ba? Siyempre inaabangan ito. Matindi ang mga kagustuhan ng mga Pilipino na mapanood ang unang gabi ni Sharon Cuneta. Hala! Ano ang magaganap? Tingnan natin,” ito ang masayang sabi ni ‘Nay Cristy Fermin sa online show niyang Cristy Ferminute November 25 episode kasama si Romel Chika.

Ang sinasabing maiiwan ang puso sa Sorsogon ay ang teleserye ni Heart Evangelista sa GMA 7 na makatatapat ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z, TV5, iba pang Kapamilya channels at Youtube. Ang aabangan ay si Sharon bilang si Aurora na masisilayan na ngayong Biyernes ng gabi.

“Ipakikilala na po si Aurora, ang papel na ginagampanan ng nag-iisang Megastar sa FPJ’s Ang Probinsyano. Nakita mo kung paano na hinihintay sa social media?” tanong ni ‘nay Cristy sa co-host nitong si Romel.

“Opo at in fairness ‘nay! Iba ‘yung pakiramdam natin na may lalabas na Megastar sa telebisyon. Iba pala ‘yung pakiramdam na makikita mo na siya sa TV gabi-gabi lalo na ‘yung mga Sharonians,” sagot naman ni Romel.

“At saka iba ‘yung pakiramdam na ‘yung hinihintay mo ay ngayon palang gagawa ng seryeng ganito sa totoo lang.

“Palibhasa nga po siyam na taong gulang pa lamang si Sharon ay nabubuhay na siya sa mundo ng musika, ng pelikula at ng telebisyon natural lamang po na ito ang hinahanap niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

“Kapag ikaw ay nasanay ika nga sa isang mundo na ginagalawan mo ay hinahanap moa ng trabaho. Malungkot ka kapag nawala ‘yun. Para kang isda na mula sa tubig na inilipat sa lupa parang ganu’n.

“Kaya enjoy na enjoy po talaga si Sharon Cuneta sa kanyang pagbabalik telebisyon dito po sa seryeng Ang Probinsyano,” balik-tanaw ng batikang manunulat at online host.

At dahil maraming gustong makita ng personal si Sharon at makapagpa-picture bukod pa sa makapanood sa taping ng aksyon serye ni Coco Martin ay maraming kaibigan si ‘nay Cristy ang nagtatanong na gustong magpunta sa Vigan at mag-check sa Safari Hotel kung saan billet ang Megastar.

Pero ang payo nito sa mga nagbabalak, “huwag na po kasi unang-una mahigpit sa health protocols ang mga taga-hotel, pangalawa hindi muna nila ini-entertain ngayon ang mga bisita sa hotel kasi nga nandoon si Sharon Cuneta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Marami na pong nagtangka, kaibigan, kaklase, mga kababayan natin na gustung-gustong makita ang Megastar ay kailangan po tayong magpa-reserve. ‘Yun po ang gagawin. May reservation po para kayo ay makapasok sa Safari Hotel at siyempre sino ba ang may-ari ng Safari hotel, si Governor Chavit Singson.”

Parang nakikinita na namin sa paglitaw ni Sharon mamaya sa “FPJAP” ay malalampasan nito ang itinalang high viewership sa Kapamilya Online free live streaming sa ABS-CBN sa YouTube na kulang 200,000.

Related Chika:
Sharon inalala ang mga paandar ni FPJ: Pag may umapi sa ‘yo, alam mong to the rescue siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending