Basher ni Heart tatakbong nakahubad sa buong barangay kung... Bandera

Basher ni Heart tatakbong nakahubad sa buong barangay kung…

Ervin Santiago |January 13,2022
share this

Basher ni Heart tatakbong nakahubad sa buong barangay kung…

Ervin Santiago January 13, 2022 - 04:08 PM

Chiz Escudero at Heart Evangelista

MAY isang epal na basher na namang sinunog at sinopla ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.

Naboldyak ng lead star ng GMA primetime series na “I Left My Heart In Sorsogon” ang nasabing netizen dahil sa hate comment nito tungkol sa kanila ng asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Nag-post kasi ang aktres sa kanyang Instagram page ngayong araw, Jan. 13, ng photo collage ng mga bonding moments nila ni Chiz na kuha nang magbakasyon sila sa Los Angeles, California.

Ang isinulat ng aktres sa caption ay, “Live, laugh, love.” Pinusuan naman ito ng kanyang mga fans at IG followers na nag-congratulate pa sa mag-asawa dahil sa kanilang solid na married life.

Pero may isa ngang netizen na mambasag kina Heart at Chiz na nagsabing mukha naman daw “scripted” ang mga litratong ipino-post ng Kapuso star, lalo na ang mga candid moments nila ng asawa.

“Kung may makita akong picture ni heart na hindi scripted, tatakbo ako ng hubad sa buong barangay,” ang comment ng hater.

Hindi naman ito pinalampas ng aktres at talagang sinupalpal ang netizen. Hirit ni Heart, “Run and never come back darling.

“Life is gooooood plus the coffee I’m drinking is awesome (cartwheel emoji).

“Sorry you can’t accept that I have a happy life but then again not my problem (champagne, wine glass emojis),” ang reply pa ng aktres sa kanyang hater.


Sa kasalukuyan ay nasa Pilipinas na uli si Heart at Chiz matapos magbakasyon nang ilang araw sa Amerika kung saan nakasama rin nila ang dalawang anak ng politiko na sina Chesi at Quino.

In fairness kay Heart, kahit na pinapatulan niya ang kanyang mga bashers ay class na class at sosyal na sosyal pa rin ang kanyang datingan kaya naman aliw na aliw ang mga fans kapag may binabasah at sinusunog siyang mga trolls at haters.

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!

#SaTamangPanahon: Paano nga ba nagkabati ang mga magulang ni Heart at si Chiz?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending