Sylvia hindi kinabahan sa kasal nina Arjo at Maine kahit nanalasa si Egay: 'Mas malakas ang DIYOS ko kesa sa bagyo!' | Bandera

Sylvia hindi kinabahan sa kasal nina Arjo at Maine kahit nanalasa si Egay: ‘Mas malakas ang DIYOS ko kesa sa bagyo!’

Ervin Santiago |August 02,2023
facebook
share this

Sylvia hindi kinabahan sa kasal nina Arjo at Maine kahit nanalasa si Egay: ‘Mas malakas ang DIYOS ko kesa sa bagyo!’

Ervin Santiago - August 02, 2023 - 07:28 AM

Sylvia hindi kinabahan sa kasal nina Arjo at Maine kahit nanalasa si Egay: 'Mas malakas ang DIYOS ko kesa sa bagyo, mas malakas SIYA kaninuman!'

Maine Mendoza, Arjo Atayde at Sylvia Sanchez

MULING napatunayan ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez kung gaano ka-powerful ang pananampalataya, lalo na ang sama-samang pagdarasal.

Todo-todo ang pasasalamat ni Sylvia sa Panginoong Diyos dahil muling dininig ang dasal niya at ng kanyang pamilya na sana’y maging maayos ang kasal ng kanyang anak na si Arjo Atayde at ni Maine Mendoza.

Kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay nang maganap ang bonggang wedding ng celebrity couple sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City sa Benguet, nitong nagdaang July 28.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ngunit sa kabutihang-palad ay medyo umayos ang panahon sa Baguio sa araw ng kasal ng ArMaine.

Sa Instagram at Facebook post ni Sylvia kahapon, August 1, nabanggit niyang ilang araw din niyang mino-monitor ang kundisyon ng panahon bago pa ang pagpapakasal ng kanyang anak at ni Maine.

Post ni Ibyang, “July 26 2023 ang lakas ng bagyo pero hindi ako kabado.

“July 27, 2023 ang lakas pa din ng ulan pero hindi pa din ako kabado.

“July 27, tinext ko si Maine.

“’Love you Maine.’

“’Love you titaaa sana po maging ok lahat tomorrow.’

“’Magiging ok yan Maine (praying hands emojis).

“’Ang dami daming nagdadasal (heart emoji),” ang bahagi ng FB post ng aktres.

Baka Bet Mo: Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Pagpapatuloy pa niya, “For the nth time pinatunayan ng DIYOS na sya ang DIYOS na makapangyarihan sa lahat, mapagmahal at walang imposible sa KANYA.

“July 28,2023. Mismong araw ng kasal nina ARJO at MAINE.

“Heto po ang panahon (heart emojis).

“Maraming, maraming, maraming salamat po PANGINOONG JESUS Matthew 8:23-27.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“#Faith naniniwala akong mas malakas ang DIYOS ko kesa sa Bagyo, mas malakas SIYA kaninuman!!! #ataydemendoza. Happy morning everyone,” ang kabuuang mensahe ni Sylvia.

And before the wedding, sa kanyang Facebook page din, nagbahagi si Sylvia ng kanyang mensahe para kay Maine kalakip ang kanilang mga litrato na kuha sa in-organize niyang bridal shower.

“Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng Pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko.

“Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito (praying hands emojis),” ang simulang pagbabahagi ng award-winning Kapamilya actress.

Dugtong pa niya, “Matagal na kitang minahal at itinuring na isang tunay na anak mula ng minahal mo ang anak kong si Arjo @mainedcm (heart emoji).

“Ngayon, hayaan mo naman akong iparamdam sayo ng buong buo ang pagmamahal at pagtanggap sayo bilang isang tunay na anak, gaya ng ipinaramdam sa akin ng mga biyenan ko,” pahayag ni Ibyang.

Excited pang pagyaya ni Sylvia kay Maine, “Tara na! Mag Yes, I Do ka na para selyado na. Love you Menggay. #ataydemendoza.”

Herlene Budol, Buboy Villar naka-jackpot na naman; bakit pinahaba ang exposure sa ‘False Positive’ nina Glaiza at Xian?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marian: May anak ako kaya kailangan kong maging matatag at malakas para sa kanila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending