Herlene Budol, Buboy Villar naka-jackpot na naman; bakit pinahaba ang exposure sa 'False Positive' nina Glaiza at Xian? | Bandera

Herlene Budol, Buboy Villar naka-jackpot na naman; bakit pinahaba ang exposure sa ‘False Positive’ nina Glaiza at Xian?

Ervin Santiago |April 19,2022
facebook
share this

Herlene Budol, Buboy Villar naka-jackpot na naman; bakit pinahaba ang exposure sa ‘False Positive’ nina Glaiza at Xian?

Ervin Santiago - April 19, 2022 - 07:48 AM

Herlene Budol at Buboy Villar

FEELING naka-jackpot na naman ang dalawang Kapuso stars na sina Herlene Budol at Buboy Villar dahil sa bago nilang project sa GMA 7.

Ka-join sina Hipon Girl at Buboy sa bagong teleseryeng “False Positive” na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Xian Lim na magsisimula na ngayong darating na May.

Ginagampanan ni Herlene sa serye ang karakter ni Maganda na siyang nagbigay ng sumpa na mabuntis ang karakter ni Xian sa kuwento habang si Buboy naman ang gaganap na Malakas.

Hindi nakarating si Herlene sa ginanap na virtual mediacon ng “False Positive” kamakailan dahil busy daw ito sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas 2022.

Kuwento ng program manager na si Anthony Pastorpide, maiksi lang daw talaga ang role nina Malakas at Maganda sa bagong Kapuso romance-drama series pero pinahaba na ito nang magustuhan ng management ang tambalan nina Herlene at Buboy.

“Nu’ng nagka-casting na kami, yung role na Malakas at Maganda, sa umpisa lang sana yun at saka konti. Pero when we had Herlene and Buboy, naisip ng Creatives, bakit hindi na lang pahabain yung roles nila kasi masaya talaga.

“Plus suwerte kami we got the two. Alam namin riot ito kasi itong dalawa, proven na nakakatawa itong mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“And to think na ika-cast mo sila as Malakas at si Maganda, the idea alone, talagang nakakatawa na. So we ended na from start to finish, nandun talaga sila. Buo yung kanilang kuwento.

“Habang nagkakagulo yung first layer ng mga cast na sina Xian and Glaiza, meron ding nangyayari sa dalawa. May issue din sila,” paliwanag ng GMA executive.

Samantala, tuwang-tuwa nga si Buboy nang malamang pinahaba na ang role nila ni Herlene sa “False Positive” at talagang makakasama na sila hanggang sa huling bahagi ng serye.

Pinag-usapan daw talaga ni Herlene ang magiging atake nila sa kanilang role bilang sina Malakas at Maganda para mas maging natural at nakatotohanan ang maipakita nila sa manonood.

“Actually, nu’ng unang na-meet ko si Herlene, nung sinabi agad sa akin na siya yung asawa ko, si Maganda, nag-usap agad kami. Kasi ito ang unang beses na magkatrabaho kami.

“Nag-guest lang siya dati sa isa naming show, pero hindi kami nagkaeksena. Ito talaga ang pinakamatagal.

“Sobrang excited ako, kaya hindi rin ako nagdalawang-isip na kausapin siya, one-on-one kaming dalawa para mas gamay namin yung pinaka-character namin,” pahayag ng komedyante at dating child star.

Paglalarawan pa niya sa TV host-comedienne, “Sobrang professional ni Herlene. Talagang nakikinig siya at open siya sa mga suggestion ko, at open din naman ako sa mga suggestion niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At siyempre, nandiyan yung direktor namin para gabayan kami. I’m pretty sure, dahil si Herlene ay talagang patok sa masa, alam kong magugustuhan siya dito bilang si Maganda,” aniya pa.

Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?

Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…

Iya pinatawad pa rin ni Drew kahit matindi ang kasalanan: Naka-jackpot ako sa asawa ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending