Sikat na aktres nahawa sa pagbibisyo ng dating karelasyon kaya pasaway sa trabaho: 'OK na siya ngayon, hiwalay na sila ng guy' | Bandera

Sikat na aktres nahawa sa pagbibisyo ng dating karelasyon kaya pasaway sa trabaho: ‘OK na siya ngayon, hiwalay na sila ng guy’

Reggee Bonoan |July 06,2023
facebook
share this

Sikat na aktres nahawa sa pagbibisyo ng dating karelasyon kaya pasaway sa trabaho: ‘OK na siya ngayon, hiwalay na sila ng guy’

Reggee Bonoan - July 06, 2023 - 07:58 PM

Sikat na aktres nahawa sa pagbibisyo ng dating karelasyon kaya pasaway sa trabaho: 'OK na siya ngayon matapos silang maghiwalay ng guy'

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

KAYA naman pala kakaiba ang ugali noon ng isang sikat na aktres ay dahil sa bisyo kasama ang dati niyang boyfriend.

Hataw to the max ang career ng sikat na aktres noon at problema siya ng mga ahensya dahil laging late at kapag darating sa shoot ay hindi pa nakahanda.

Kaya naman laging abonado ang production dahil sumusobra sa oras sa inuupahang studio dahil per ora ito.

Ang masama pa kapag biglang tumawag ang boyfriend ng sikat na aktres ay bigla itong magmamadali at pag sinabi ng photographer na hindi pa tapos ay sasabihing babalik siya pero hindi na kaya ire-schedule na naman uli ang trabaho.

Pati ang handler ng sikat na aktres ay may ugali rin dahil tinatarayan din nito ang production staff ng ahensya.

“Kung hindi nga lang siya ang request ng client, kukunin ba namin siya? Grabe ang pagpapakinis sa kanya ha, buong katawan body make up dahil ang dumi ng kutis!” sabi ng source namin.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…

Oo nga, ang ganda ng sikat na aktres sa mga billboard at TVC, in fairness hindi halatang marumi ang balat.

Anyway, naghiwalay na si sikat na aktres at ang boyfriend nito dahil nahuling nag-cheat.

“Feeling nga ni ____ (sikat na aktres) parang nahipnotismo siya kasi kinuwento namin ‘yung mga bisyo niya. Nanlalaki ang mga mata. Nagawa raw niya ba talaga ‘yun?” kuwento pa ng aming source.

Sa kasalukuyan ay may iba nang karelasyon ang sikat na aktres at maganda ang aura niya ngayon, kuminis ang balat at work driven siya now.

“Good influence kasi ‘yung boyfriend niya now kumpara ‘yung dati na alam mo na. Kaya ‘yung jowa dati nawawala na. Ha-hahaha!” tumawang sabi ng source.

Ang boyfriend pala ng sikat na aktres ay nag-aartista rin pero dahil sa magulo ang takbo ng utak ay lulubog at lilitaw ang career plus problemado pa sa itinayong negosyo.

“Buti na lang talaga naghiwalay na sila kundi kawawa naman ‘tong kaibigan ko, kita mo ngayon ang ganda ng nangyayari sa kanya.

“’Yun palang malditang handler niya, wala na sa kanya, ako mismo nagsabing tanggalin kasi feeling entitled pa napapasama tuloy image ng kaibigan ko,” pagtatapat ng aming source.

Award-winning actor bumalik sa dating bisyo; 3 years nang walang trabaho

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Billy tinalikuran lahat ng bisyo para sa pamilya: Hindi na ako umiinom at naninigarilyo, nawala rin ‘yung pakikipagbarkada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending