Female celebrity may kakaibang ugali kaya iniwan ng babaeng karelasyon | Bandera

Female celebrity may kakaibang ugali kaya iniwan ng babaeng karelasyon

Cristy Fermin - July 03, 2017 - 12:15 AM

 

LUMABAS din ang totoo. Hindi pala basta-basta ganu’n lang ang mga dahilan ng paghihiwalay ng isang showbiz couple.

Malalim pala ‘yun. Meron pala silang pinagtalunang mga bagay-bagay na mauuwi talaga sa hiwalayan kapag hindi sila nagkaintindihan.

May kakaiba kunong ugali si female personality A, may katamaran, kung ano ang gustong gawin ay walang puwedeng kumontrang kahit sino.

Away lang kuno ang kauuwian nu’n kapag nakipagtalo sa kanya ang girlfriend niya, si female perso-nality B, pareho nga silang babae!

Kuwento ng isang source na malapit sa dalawa, “May sariling mundo kasi si ____ (pangalan ni female personality A). Mahirap kapain ang ugali niya. Kung ano ang gusto niyang gawin, e, ‘yun na ‘yun!

“Wala nang puwedeng kumontra sa kanya kahit pa mali naman siya. Hirap na hirap kayang makisama sa kanya si female personality B? Nagtiis din siya nang matagal pero nu’ng hindi na talaga niya kaya, e, nagbabu na rin siya!

“Paano ka nga naman makikisama sa isang taong hindi tumatanggap ng pagkakamali? Hindi siya marunong mag-sorry, kaya ayun, nu’ng mapuno na si babae, nag-alsa-balutan na siya!” malinaw ang kuwento ng aming impormante.

Isa rin pala sa hindi nila napagkasunduan ang gusto nang mangyari ni female personality A nu’n pa. Ang ipabago ang kanyang itsura.

“Ayaw na ayaw ‘yun ng karelasyon niya. Para ano pa nga naman, e, alam na naman ng buong mundo kung ano siya? Bakit kailangan pa niyang mag-undergo ng kung anu-anong operation?

“Masama bang mag-isip si female personality B kung paano na kapag nagkaroon ng mga side effects ang ipagagawa niya? Nega raw siya sabi ni female personality A, hindi raw siya mahal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayun, pagkahiwalay nila, e, nag-umpisa nang magwarla si female personality A, ipinagawa na ang gusto niyang mangyari, wala nang nakapigil pa sa kanya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang clue, ha? Getlak n’yo na kung sinu-sino sila, pramis, may iba pa ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending