Award-winning actor bumalik sa dating bisyo; 3 years nang walang trabaho | Bandera

Award-winning actor bumalik sa dating bisyo; 3 years nang walang trabaho

Reggee Bonoan |January 26,2022
facebook
share this

Award-winning actor bumalik sa dating bisyo; 3 years nang walang trabaho

Reggee Bonoan - January 26, 2022 - 05:31 PM

Mahulaan n’yo kaya kung sino siya?

TRULILI kaya na bumalik sa dati niyang bisyo ang premyadong aktor dahil sa kawalan ng proyekto ngayong pandemic?

Sitsit ng aming source, sobrang stress ngayon ang aktor dahil wala siyang project at need niyang kumita dahil may pamilya siyang kailangang buhayin bukod pa sa mga umaasa niyang kaanak.

“May inalok naman sa kanyang project kasi tinanggihan niya that time dahil ayaw niyang maglalabas kasi nag-iingat nga para rin sa family niya. Ngayon gusto na niyang mag-work, wala namang offer,” tsika ng aming source.

Dagdag pa niya, “Actually, itong bisyo niya puwede naman niyang kontrolin kasi nakakatulong ito sa health niya lalo na kapag stress siya, pampakalma niya ‘to at alam din naman ito ng ibang naka-work niya.”

Nakapagpundar na ng sariling bahay ang aktor pati na rin ang mga kaanak niya ay nabigyan na niya, matipid naman din kasi siya kaya marami siyang nabiling ari-arian. Kaya nga lang halos tatlong taon na ang pandemya at tatlong taon na rin siyang walang trabaho.

“Siyempre tuyo na rin ang banga.  Wala nang madukot ang lolo mo.  Nagbenta na nga siya ng ilang gamit niya nang palugi.

“Actually, marami siyang co-actors na nangungumusta naman sa kanya at ‘yun nga gusto na raw niyang mag-work,” tsika ulit ng aming source.

Dapat pala hindi tumanggi noon si aktor sa offer sa kanya, may kasabihan nga ‘wag tatanggi sa grasya at baka magtampo.

Hindi naman siguro malululong ang aktor sa bisyo niya dahil tsinek namin ang social media account niya at mukhang okay pa naman siya ngayon.

* * *

Kumpleto na sa wakas ang housemates ni Kuya dahil tuluyan nang nakapasok sa “PBB” ang anim pa na magdaragdag ng kulay sa “PBB Kumunity Season 10.” 

Magkasamang pumasok ang tatlong Filipino mula sa Italy na sina Basti Macaraan (Ang Service Crewlit Bro ng Italy), ang kapatid niyang si Jaye Macaraan (Ang Service Crewelang Bro ng Italy), at si Rica Kriemhild (Ang Dolce Amore Daughter ng Italy). 

Sumunod naman sina Andrei King (Ang Streamdependent Dreamhunk ng Taguig), Kathleen Agir-Zarandin, (Ang Orphan-Along Caregiver ng USA), at Roque Coting (Ang Salesma-Sikap Man ng Davao) na mga nagwagi sa “Online Bahay ni Kuya sa Kumu.” 

Muli ring nagbalik bilang houseguest si Glenda Victorio (Ang Brilliant CEO ng Rizal), na unang napanood noong “PBB Connect.” Hudyat din ang comeback ni Glenda sa pagsisimula ng “Pinoy Big Brother House Player Campaign on Kumu,” kung saan pwedeng hamunin ang housemate’s ng mapipiling house player. 

Kailangan lang mag-livestream sa Kumu hanggang Enero 27 ang lahat ng interesadong Kumu streamers na may edad 20 hanggang 40 taong gulang. Ang limang streamer na may pinakamaraming virtual gifts ang magkakaroon ng chance na maging house player ni Kuya.  

Mas nakilala rin ng housemates ang mga bago nilang kasama sa pagiging Supervisor o Bisor ni Zach Guerrero (Ang Smillennial Charm ng Aurora).  

Samantala, matamis ang tagumpay ng adult housemates sa kanilang weekly task dahil matutupad ang pangako ni Kuya na ipapaayos nito ang nasirang bahay ni Gin Regidor na winasak ng bagyong Odette.  

Matapos magwagi sa weekly task, kung saan bumuo sila ng bahay na may taas na anim na talampakan, masayang ibinalita ni Isabel Laohoo sa kapwa housemates na matutulungan nilang mapaayos ang bahay ni Gin sa Cebu bilang pabuya.  

“Yung reward is ‘di ba alam niyo nabagyuhan ‘yung Cebu? Tapos nakita natin ‘yung bahay ni Gin? So ‘yung kina Gin bahay, mapapaayos siya,” ani “Bubbly Boss Lady ng Leyte” sa kapwa housemates na sina Gin, Laziz, Nathan, Raf, Seham, Thamara, Michael Ver, Aleck, at Zach.   

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition ay napapanood sa Kapamilya Channel tuwing 5:45 p.m.. Abangan din sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Enchong Dee, at Melai Cantiveros sa “Kumulitan” sa Kumu tuwing 5:30 p.m. at ang celebrity housemate na si Samantha Bernardo na magsisilbing host ng “Kumunity G sa Gabi” mula Enero 24 (Lunes) hanggang Enero 28 (Biyernes) tuwing 9 p.m..  

Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

Catriona itinago ang pag-iyak sa magulang nang magpaalam na pabalik ng Pinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending