Sikat na aktor nanghinayang sa ‘big project’ kasama ang artistang matagal na niyang pangarap na makatrabaho, anyare?
TRULILI kaya na nanghinayang ang isang kilalang aktor nang malaman niyang hindi na siya matutuloy sa big project na ini-offer sa kanya?
Nang ialok kasi ang big project sa aktor ay hindi muna ito sumasagot dahil may pinagdaraanan daw siya base sa kuwento ng taong malapit sa kanya.
Binanggit namin sa taong kausap namin kung tungkol ba ito sa lovelife, “Part of, pero ang main is tungkol sa pamilya.”
Ikinuwento sa amin nang buo kung ano ang problema ng aktor na minabuti naming hindi na lang isulat dahil ayaw namin siyang pangunahan. Tiyak na makukuwento rin niya ito pagdating ng tamang panahon.
Baka Bet Mo: Pagtatambal nina Marian at Gabby sa bonggang teleserye ng GMA tuloy na, kinukumpleto na ang cast
Anyway, nang makahinga-hinga na raw ang aktor ay tinanong niya kung open pa ang offer sa kanya para sa big project at sinabing hindi na dahil may nakuha na kaagad na kapalit niya.
“Hayun, may panghihinayang. Sabi ko naman hayaan mo na tiyak maraming darating na kapalit. Pero kasi ‘yung opportunity na makasama niya sa project ‘yung isa sa pangarap niyang artista ay nawala na pero naniniwala naman ako na lahat may dahilan kaya hindi yun natuloy,” paliwanag ng taong malapit sa aktor.
Naniniwala rin naman kaming hindi pa siguro panahong magkatrabaho ang aktor at ang celebrity na pinapangarap niyang makasama sa isang project, hintay-hintay na lang.
Karen kay Korina: Masyado kang nakakatakot noon, so hindi kita makausap…’wag i-deny
Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.