Karen kay Korina: Masyado kang nakakatakot noon, so hindi kita makausap...'wag i-deny | Bandera

Karen kay Korina: Masyado kang nakakatakot noon, so hindi kita makausap…’wag i-deny

Ervin Santiago |October 31,2022
facebook
share this

Karen kay Korina: Masyado kang nakakatakot noon, so hindi kita makausap…’wag i-deny

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 09:59 AM

Karen Davila, Korina Sanchez hindi nabigyan ng chance para maging close, nanghinayang sa nasayang na panahon

Korina Sanchez at Karen Davila

PAREHONG nanghinayang ang mga batikang broadcast journalist na sina Korina Sanchez at Karen Davila dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon na maging close noong magkasama pa sila sa ABS-CBN.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagharap ang dalawang veteran news anchor at TV host at sinagot ang mga kontrobersyal na issue na kanilang kinasasangkutan.

Naganap ito sa programa ng misis ni Mar Roxas sa NET25, ang “Korina Interviews” na ipinalabas kagabi. Unang nagpaliwanag si Karen kung bakit hindi sila malapit ni Korina at kung bakit natsitsismis na may galit sila sa isa’t isa.

“Feeling ko, because workwise, parang it was such a competitive environment where we used to work. Parang they would always pit people against each other, perhaps.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristin Karen Davila (@iamkarendavila)


“It would be, let’s say after Korina, nandiyan si Karen. Napakahirap din nu’n for any woman, ha. Kasi nga you feel minsan either may hinahabol ka or hinahabol ka,” pagbabahagi ni Karen.

Sumang-ayon naman sa kanya si Korina at sinabing ang publiko lamang ang gumagawa ng issue sa kanila kaya ang akala ng lahat ay magkaaway sila at nagpapatalbugan sa ABS-CBN.

Sabi pa ni Karen, napakalaki ng panghihinayang niya dahil hindi sila nabigyan ng chance na makilala nang lubusan ang isa’t isa noong pareho pa silang nasa news department ng Kapamilya Network.

“I mean this from the bottom of my heart, ako sa pananaw ko, isa sa mga nasayang na panahon ko sa ABS-CBN is yung hindi kita nakilala doon.

“Of course, you were very busy. But I feel it was a lost opportunity for me, for both of us,” pahayag ni Karen. Kung naging super close lang daw sana sila noon ay baka naging mentor pa niya si Korina.

Hirit pa ni Karen kay Korina, “Masyado kang nakakatakot noon. So hindi kita makausap. Nakakatakot po talaga siya noon ah. Huwag i-deny, at huwag i-cut.” Sinundan ito ng malakas na tawanan ng dalawang premyadong news anchor.

Sey naman ni Korina, baka raw sa schedule rin nila kaya walang chance na magkita sila nang personal at makapag-bonding nang bonggang-bongga.

“Sobrang busy. Iba-iba ang schedule natin. It’s not like nakakahuntahan ko ng madalas si Bernadette (Sembrano) or even Loren (Legarda). Talagang ang nakakausap ko lang ay si Ted (Failon) kasi siya yung partner ko,” chika pa niya.

Dagdag pa ni Korina, “Naunahan pa ng intriga. ‘Ay ang pumalit kay Korina si Karen so baka galit si Korina kay Karen.’

“Actually hindi, ah. Decision ng management iyon nu’ng pinalitan mo ako sa TV Patrol. And there was no animosity. Remember when Mar ran, I even invited you?

“Wala talaga yun kasi decision talaga iyan ng mga boss namin nung mga panahon na iyon,” ani Korina.

Naging bahagi ng ABS-CBN si Korina taong 1986 habang nagsimulang magtrabaho si Karen sa Kapamilya network noong 2000.

Si Karen ang pumalit kay Korina bilang isa sa main anchors ng “TV Patrol” noong 2004. Nagbalik ang wifey ni Mar sa nasabing news program taong 2010 at inilipat naman si Karen sa late-night news program na “Bandila” kasama sina Julius Babao at Ces Drilon.

Last year naman, ibinalik si Karen sa “TV Patrol” bilang main anchor kasama sina Bernadette Sembrano at Henry Omaga Diaz.Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off

Diego Loyzaga nag-shopping sa US; sinulatan ang $100 bilang remembrance

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie nanghinayang sa pag-atras ni Bong Go: Pero saludo ako sa naging desisyon mo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending