Willie nanghinayang sa pag-atras ni Bong Go: Pero saludo ako sa naging desisyon mo!
Bong Go at Willie Revillame
BAGAMAT nanghinayang si Willie Revillame sa pag-atras ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente ng Pilipinas ay nirerespeto raw niya ang desisyon nito.
Pero hindi pa naman final ang pag-atras ni Go dahil hindi pa siya nagsa-submit ng papeles sa Comelec office para pormal nang ihayag ang kanyang pag-atras.
Nagbiro pa nga si Sen. Bong sa pangungulit sa kanya kung bakit hindi pa siya nagpupunta sa Comelec, “Nagmamadali kayo?”
Anyway, naikuwento ni Willie sa programang “Wowowin: Tutok to Win” na malaki ang pasasalamat niya kay Sen. Bong dahil siya ang dahilan kung bakit bumalik sa ere ang show sa GMA 7.
Noong Marso 15, 2020 ay natigil sa ere ang “Wowowin” sa GMA 7 kaya sa Facebook siya nag-live simula noong Marso 26.
Aniya, “Naisip ko hong mag-Facebook and then, mag-YouTube na wala naman akong kaalam-alam sa social media.”
Kasi nga lockdown, maraming hindi nakakapasok sa trabaho at dahil tumagal pa ito kaya maraming kumpanya na ang nagsara kaya mas dumami pa ang nawalan ng trabaho kaya gustong-gustong bumalik ni Willie sa ere ang “Wowowin.”
“And then, tumawag na po sa akin si Mr. Joey Abacan (GMA first Vice President for program management). Sabi niya, ‘o maganda ‘yang ginagawa mo, nakakatulong tayo, ituloy mo ang Wowowin.’
“Sabi ko, ‘meron akong concept, Tutok to Win,’ sabi ko kay Sir Joey, ‘sana makabalik tayo at sana, mabigyan ako ng pagkakataon,” pahayag ng TV host.
Kahit gustuhin ng GMA na iere ang programa kaso lockdown kaya paano.
https://bandera.inquirer.net/289186/willie-sa-kumokontra-sa-pagsabak-niya-sa-politika-wala-pa-ho-akong-desisyon-huwag-nyo-muna-akong-tirahin
At inamin ni Willie na, “Tinawagan ko si Mr. Martin Andanar, Sec. Harry Roque, Sec. Ano, sabi nila, ‘paalam ka lang kay Sen. Bong Go.”
Sa Will Tower daw nito planong mag-live broadcast kaya hiniling na sana ay payagan silang bumiyahe para maipagpatuloy ang pag-ere ng kanyang programa.
“Madaling araw ho, nagpi-picture kami do’n (sa Will Tower) para mapadala sa Malacanang ‘yung IATF na ID. ‘Yung IATF na ID po na ‘yun, ‘yun ho ang paraan para kami makabiyahe.
“Kaya ko lang sinasabi sa inyo ‘to, wala pong Tutok to Win, wala pong Wowowin na makakabalik nu’ng time ng lockdown kundi po nagpaalam kay Sen. Bong Go at pinayagan niya po akong makabalik at pinayagan niyang makalipad ang chopper dahil ho talagang nakiusap lang ako,” kuwento pa ni Willie.
Sabay pasalamat ng TV host, “In behalf of my staff, WBR Productions, in behalf sa mga kasama kong mga nagmamahal sa programang ito, maraming maraming salamat sa ‘yo. Saludo ako sa ‘yo.
“Tama ka, nu’ng nag-uusap tayo, ang hirap ng sitwasyon mo. Kinakampanya ka ng tatay, iba naman ang kinakampanya ng anak. Saludo ako sa naging desisyon mo. God bless you,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/299105/bong-go-umatras-na-sa-pagtakbong-pangulo
https://bandera.inquirer.net/293920/sen-bong-go-sinabing-sa-october-8-ipapaalam-kung-lalaban-o-aatras-sa-2022-presidential-race
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.