Pagtatambal nina Marian at Gabby sa bonggang teleserye ng GMA tuloy na, kinukumpleto na ang cast | Bandera

Pagtatambal nina Marian at Gabby sa bonggang teleserye ng GMA tuloy na, kinukumpleto na ang cast

Ervin Santiago |June 07,2023
facebook
share this

Pagtatambal nina Marian at Gabby sa bonggang teleserye ng GMA tuloy na, kinukumpleto na ang cast

Ervin Santiago - June 07, 2023 - 01:11 AM

Pagtatambal nina Marian at Gabby sa bonggang teleserye ng GMA tuloy na, kinukumpleto na ang cast

Marian Rivera at Gabby Concepcion

KUNG wala nang magiging problema, mukhang matutuloy na nga this year ang pagtatambal nina Gabby Concepcion at Marian Rivera.

Kung matatandaan, naunsiyami ang dapat sana’y pagsasama ng Kapuso Primetime Queen at ng Ultimate Leading Man sa teleseryeng “First Yaya.”

Hindi na itinuloy ng wifey ni Dingdong Dantes ang nasabing proyekto dahil sa banta ng COVID-19 pandemic at nais niyang maging hands on sa kanyang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Mas binigyang-halaga ni Marian ang kaligtasan ng kanyang pamilya, lalo na ng dalawa niyang anak. Si Sanya Lopez ang ipinalit ng GMA management sa “First Yaya” na naging matagumpay naman dahil nagkaroon pa ito ng sequel, ang “First Lady.”

Ayon sa nasagap naming chika, isa sa magiging pasabog ng GMA 7 bago matapos ang 2023, ang pagbabalik ni Marian sa primetime kung saan makakatambal nga niya si Gabby.

Baka Bet Mo: Sharon never nagsalita ng masama kay KC tungkol kay Gabby: ‘Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang’

Balitang nagka-casting na raw ngayon ang production na hahawak sa nasabing teleserye. Hindi lang masabi ng ating source kung kailan magsisimula ang kanilang taping.

In fairness, sabik na sabik na ang mga fans ni Marian na mapanood uli siyang umaarte sa telebisyon at pelikula kaya naman siguradong aabangan at tututukan ng mga ito ang kanyang comeback series.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby)


Sa isang panayam, kinumpirma ni Marian na may gagawin siyang bonggang project this year, “Kung na-miss niyo ako, mas na-miss ko kayo kaya abangan niyo yan.”

“Definitely, sana makita na nila ako. Sana matuloy ‘tong project na ‘to. And then, may mga gagawin ako sa regional kaya abangan nila ako,” aniya pa.

Update: Kinumpirma na ni Gabby sa pamamagitan ng kanyang Instagram page ang nasabing proyekto kalakip ang litrato nila ni Marian. Aniya sa caption, “Matutuloy na din sa wakas.”

Bea Alonzo nag-beg off sa pelikulang ‘A Special Memory’ na pagbibidahan sana nila ni Alden Richards

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gabby kay Sanya: Madaling mai-in love sa kanya ang kahit na sino dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending