LIST: Cutest bonding moments ng celebrity dads at daughters

Jhong Hilario at Sarina, Zoren Legaspi at Cassy, Erwan Heussaff at Dahlia; bida ang bonding moments ng ating dads sa kanilang mga anak.

Jhong Hilario at Sarina, Zoren Legaspi at Cassy, Erwan Heussaff at Dahlia

NGAYONG palapit na ang Father’s Day this June, bida ang bonding moments ng ating dads sa kanilang mga anak.

Given na ang strong connection ng ating dads sa kanilang mga lalaking anak, this time i-highlight naman natin ang solid bonding nila kasama ang kanilang mga babaeng anak.

Siyempre hinding-hindi pahuhuli riyan ang mga celebrity dads na sa kabila ng kanilang busy schedule ay talaga namang napapasaya ang kanilang mumunting prinsesa.

Nilikom ng BANDERA ang ilan sa mga cutest bonding moments ng celebrity dads and daughters.

Jhong Hilario and Sarina

Jhong Hilario and Sarina, Photo: Instagram/@jhonghilario

Cuteness overload sa mga paandar ng mag-amang Jhong Hilario at Sarina sa Instagram page ng ‘It’s Showtime’ host.

Kung pina-follow ninyo sila, for sure nakita n’yo na ang pak na pak na pagkanta ni Sarina ng “Fly Me to the Moon”.

Winelkam nina Jhong at Maia ang kanilang first baby noong Marso 2021.

Luis Manzano and Peanut

Luis Manzano and Peanut, Photos: Instagram/@luckymanzano

Sweet na may halong kulit ang peg ng batikang TV host na si Luis Manzano para sa kanyang dearest princess na si Isabella Rose o mas kilala rin bilang Peanut.

Sinong makalilimot sa paandar na video ni Lucky kung saan tila ayaw payagan ni Peanut na lumayo ang kanyang daddy para makapag-dinner.

Ipinanganak ng aktres na si Jessy Mendiola ang anak nila ni Luis noong December 2022. Ibinalita naman nila ito sa publiko nito lamang Enero 2023.

Vic Sotto and Tali

Vic Sotto and Tali, Photos: Instagram/@pauleenlunasotto

Hindi rin pahuhuli si Bossing Vic Sotto sa kwelang bonding niya kasama si Tali na chikiting nila ng TV host na si Pauleen Luna.

Talagang makikita natin ang full support ni Bossing sa mga gusto ni Tali base na rin sa mga uploaded moments nilang mag-ama sa Instagram page ni Poleng.

Isinilang si Tali o Talitha Maria noong November 2017.

Erwan Heussaff and Dahlia

Erwan Heussaff and Dahlia, Photos: Instagram/@erwan

Sino ba naman ang makalilimot sa next IT girl to her mother Anne Curtis na si Dahlia Amelie at ang mga bibo moments niya kasama ang kanyang daddy na si Erwan Heussaff?

Siyempre, like her dad, natutuwa rin si Dahlia sa pagluluto. Sa katunayan, ito na ang kanilang naging bonding moment na ibinabandera ni Erwan sa kanyang social media accounts.

Ipinanganak si Dahlia noong March, 2020.

Nico Bolzico and Tili

Nico Bolzico and Tili, Photos: Instagram/@nicobolzico

Certified The Bullied Husbands Club founder and president ang internet personality na si Nico Bolzico. Pero knows niyo ba na protective at kwelang daddy rin siya sa mga anak na sina Thylane at Maelys?

Kitang-kita sa kanilang social media pages ang pagiging caring nito kasama ang wifey niyang si Solenn Heussaff sa kanilang panganay na si Tili.

Big blessing noong January 2020 ang kanilang anak na si Tili. Winelcome naman nila ang new addition sa Team Bolz na si Maelys noong December 2022.

Jason Francisco and Stela & Mela

Jason Francisco and Stela and Mela, Photos: Instagram/@mrandmrsfrancisco

Kung makulit na ang TV host na si Melai Cantiveros sa asawa nitong si Jason Francisco, paano pa kaya kung nadagdagan pa ng dalawa sa katauhan ng kanilang super ligalig na mga anak na sina Amelia Lucille (Mela) at Stela Rosalind?

Sure na sasakit ang mga tiyan ninyo isama niyo na rin ang inyong mga dads sa kakatawa sa mga banat ng buong pamilya nila lalo na kapag nagkakatuwaan sa kanilang vlogs.

Winelcome nina Jason at Melai ang kanilang prinsesang si Mela noong April 2014 habang ang kanilang bunso ay nito namang April 2017

Hayden Kho and Scarlet Snow

Hayden Kho and Scarlet Snow, Photos: Instagram/@dochayden

Simula noong isinilang hanggang ngayong dalagita na ay talagang kinaaliwan ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow.

Masasabi mong alagang-alaga ni daddy Hayden si Scarlet dahil na rin sa kabila ng busy work schedule ay hindi niya nakakalimutan ang trips nila abroad.

Isinilang si Scarlet noong March 2015.

Doug Kramer and Kendra & Scarlett

Doug Kramer and Kendra and Scarlett, Photos: Instagram/@dougkramer

For sure kilalang-kilala naman ninyo ang mga prinsesa sa buhay nina Doug at Cheska Kramer na sina Kendra at Scarlett.

Mula sa dalandan commercial nila, inabangan na ng taumbayan ang paglaki ni Kendra. Lalo pang naging sumaya ang Team Kramer sa addition nina Scarlett at Gavin.

Ipinanganak si Kendra noong June 2009. Sumunod naman si Scarlett noong November 2011 at Gavin noong 2013.

Zoren Legaspi and Cassy

Zoren Legaspi and Cassy, Photos: Instagram/@zoren_legaspi

Dalaga na pero nananatiling baby girl pa rin ni Zoren Legaspi ang anak na si Cassy.

Sa kabila ng busy showbiz venture nilang mag-ama, hindi pa rin nilang nakakalimutang mag-bonding kasama na rin sina Carmina Villaroel at twinnie ng aktres na si Mavy.

January 2001 nang isinilang ang kambal.

Aga Muhlach and Atasha

Aga Muhlach and Atasha, Photos: Instagram/@agamuhlach317

Nostalgic naman sa karamihan ang naging fast food chain commercial nina Aga Muhlach at asawa nitong si Charlene Gonzales kasama ang kambal nilang sina Atasha at Andres.

Supportive tatay si Aga kina Atasha na nasa ibang bansa ngayon para sa kanilang pag-aaral. Full support si Aga sa mga anak lalo na nang rumampa ang dalaga with her escort na si Andres sa ‘Le Bal des Débutantes’ sa Paris.

Winelcome nila ang kanilang kambal noong November 2001.

Talaga namang hindi matatawaran ang mahabang listahan ng proud celebrity dads sa kanilang mga daughters.

Sa kabila ng mga ginagampanang role sa harap ng camera ay ang hindi mapapatanyang pagmamahal nila para sa kanilang mga anak.

Mula sa amin sa BANDERA, maligayang araw ng mga ama sa ating mga tatay, dads, at tumatayong pudrakels!

Read related chika:

Father’s Day hugot ni Dennis kay Julia, 2 pang anak: You forgot to greet me last Sunday…hehehe! Love you!

Derek na-touch sa Father’s Day message ni Ellen: I promise you can chill for the rest of your life

Angelica naniniwalang magiging mabuti at responsableng tatay si Gregg: Happy Father’s Day my Love!

Read more...