Chikahan ng mag-amang Erwan at Baby Dahlia pak na pak sa netizens: 'OMG! I'm crying right now!' | Bandera

Chikahan ng mag-amang Erwan at Baby Dahlia pak na pak sa netizens: ‘OMG! I’m crying right now!’

Pauline del Rosario |December 29,2022
facebook
share this

Chikahan ng mag-amang Erwan at Baby Dahlia pak na pak sa netizens: ‘OMG! I’m crying right now!’

Pauline del Rosario - December 29, 2022 - 12:29 PM

Chikahan ng mag-amang Erwan at Baby Dahlia pak na pak sa netizens: 'OMG! I'm crying right now!'

PHOTO: Instagram/@annecurtissmith

ISANG nakakaantig na social media post ang ibinandera ng French-Filipino content creator na si Erwan Heussaff.

Ito ay ang naging touching conversation nila ng kanilang anak ni Anne Curtis na si Baby Dahlia.

Sa Instagram, makikita ang isang compilation video na kung saan ay makikita ang ilang masasayang bonding moments ng kanyang pamilya.

Ibinahagi rin niya sa caption ang naging heart-to-heart talk nila ng anak.

Kwento ni Erwan, tinanong niya noong isang araw si Baby Dahlia kung siya ba ay masaya.

Sinagot daw siya ng anak na masaya ito dahil hindi raw siya nagtatrabaho.

Caption ng content creator, “I asked Dahlia the other day if she was happy and she said ‘yes, because you’re not working’.”

Dahil diyan ay ipinaalala ni Erwan sa lahat ng mga magulang na tulad niya na huwag kalimutang bigyan ng oras ang mga anak.

“Be present folks,” sey niya sa IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Libo-libong netizens naman ang tila naka-relate at naluha sa naging post ni Erwan.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Oh my gosh I’m crying right now, when I saw your post I immediately asked my daughter is she’s happy and she gave me the same answer, ‘Because mommy has no work.’”

“They watch, they observe but they won’t tell you unless you ask them. Their simple words will strike your heart.”

“We can learn so much from our little ones.”

“Naiyak naman ako (crying face emoji)”

Nitong Nobyembre lamang ay ipinagdiwang nina Erwan at Anne ang kanilang ika-5th wedding anniversary.

Nagbakasyon ang mag-asawa kasama ang kanilang anak na si Dahlia sa isang beach.

Taong 2017 nang ikinasal ang dalawa sa New Zealand, at noong 2020 naman nang isinilang ng aktres ang first baby nila sa Australia.

Ngayong 2022  lang bumalik sa mundo ng showbiz si Anne matapos siyang magpahinga upang matutukan ang kanyang pamilya.

Related chika:

Anne Curtis, Erwan Heussaff 5 years nang kasal, nag-celebrate sa beach kasama si Dahlia

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anne napaiyak sa ‘Showtime’ dahil kay Erwan, sey ni Vice: Niloloko-loko ko lang ‘to, pero ang hirap kaya ng ginagawa niya

2 taong gulang na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff enjoy na enjoy sa ‘pre-school’: It’s so cute…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending