Anne napaiyak sa 'Showtime' dahil kay Erwan, sey ni Vice: Niloloko-loko ko lang 'to, pero ang hirap kaya ng ginagawa niya | Bandera

Anne napaiyak sa ‘Showtime’ dahil kay Erwan, sey ni Vice: Niloloko-loko ko lang ‘to, pero ang hirap kaya ng ginagawa niya

Ervin Santiago |August 31,2022
facebook
share this

Anne napaiyak sa ‘Showtime’ dahil kay Erwan, sey ni Vice: Niloloko-loko ko lang ‘to, pero ang hirap kaya ng ginagawa niya

Ervin Santiago - August 31, 2022 - 08:00 AM

Anne Curtis, Erwan Heussaff at Dahlia

SUPER cry si Anne Curtis nang mapag-usapan ng mga kapwa niya hosts sa isang episode ng “It’s Showtime” kung sinu-sino ang mga itinuturing nilang mga tunay na superhero sa totoong buhay.

Nangyari ito last Monday, August 29, sa noontime show ng ABS-CBN kasabay ng paggunita ng buong bansa sa National Heroes Day.

Hindi napigilan ng TV host-actress ang maging emosyonal nang ibandera nga niya sa madlang pipol na ang asawa niyang si Erwan Heussaff ang kanyang tunay na “bayani”.

Unang sumagot si Vice Ganda at sinabing ang “asawa” niyang si Ion Perez ang itinuturing niyang “superhero” dahil sa pagmamahal, pagsuporta at pag-intindi sa kanya.

View this post on Instagram

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Sabi naman ni Anne, “Ako siguro, ang hero ng buhay ko, like Sisterette (Vice), kung may Ion siya, ako naman may Erwan. He is my superhero, super dad, ganu’n yata talaga.”

Kasunod nito, napaiyak na nga si Anne. Sey naman ni Vice, ramdam niya ang pinanggagalingan ng aktres at TV host dahil nga meron itong kasama at katuwang sa buhay, lalo na ngayong lumalaki na rin ang anak nila ni Erwan na si Dahlia.

Pahayag ni Vice, “It’s very hard for you to juggle work and be a mom sa isang araw, sabay-sabay.

“Niloloko-loko ko lang ito (Anne) pero ang hirap kaya ng ginagawa niya. Nanay, asawa, tapos kailangan niyang maging entertainer n’yo.

“Pero dahil may Erwan siya na sasabihin, ‘O sige na nga, ako na muna ito, do your thing, magpaka-entertainer ka muna,’ e, ang laking bagay nu’n,” sabi pa ni Vice.

Pagsang-ayon naman ni Anne, “Correct, that’s why he’s really an everyday hero. Forever and ever.”

More than a year na nawala si Anne sa “It’s Showtime” matapos mag-leave nang mabuntis kay Dahlia Amelie. Nagtungo sila ni Erwan sa Australia noong December, 2019 para doon isilang ang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal naman sina Anne at Erwan noong November 12, 2017 sa Queenstown, New Zealand.

Payo ni Erwan Heussaff sa pagiging single ni Wil Dasovich sa edad na 30: Do crazy things…you’re still super young

Erwan may 2 bagay na palaging ipinaaalala kay Anne ngayong may anak na sila

‘Cheesy workout’ nina Matteo at Erwan pinagtsismisan; hiwalayang Max-Pancho fake news

Janno ibinida ang superpowers ni ‘Mang Jose’, ‘di magpapatalbog kina Darna at Captain Barbell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending