Toni Fowler sinagot ang mga pahayag ng kapatid: Itakwil n’yo ko

Toni Fowler sinagot ang mga pahayag ng kapatid: Itakwil n'yo ko
PINALAGAN ng social media personality na si Toni Fowler ang mga pahayag ng nakatatandang kapatid na nagpakilalang si Lester Fowler.

Sa isang Facebook live kasi ay nagsalita ang kanyang kuya at naglabas ng saloobin ukol sa video niya kung saan sinabi niyang nakaka-relate siya sa “mandatory” na pagtulong sa pamilya.

Sey kasi ni Toni, relate na relate ito sa babae dahil ganito rin daw ang kanyang nararanasan sa tuwing magkikita-kita silang pamilya ay akala niya ok sila ngunit kapag nakatalikod siya o wala siya sa ganap ay siya ang topic o pinag-uusapan.

May mga pagkakataon rin daw na sinasabihan siyang dapat ay tulungan niya ang iba pang mga kapatid samantalang wala naman itong itinulong sa kanya noong hirap siya.

Chika pa ni Toni, mas ok pa sa kanyang tulungan ang ibang tao na sumusuporta sa kanya kaysa sa mga kaanak raw niyang kilala lang siya pag may kailangan.

Bwelta naman ng kapatid niyang si Lester, wala naman daw talaga siyang pakialam sa mga sinabi ng social media personality pero may mga nadadamay na raw kasing mga kaanak nila sa mga pinaggagagawa nito online.

“Fowler kami. Marami kaming magkakapatid, may mga anak kami, may mga konserbatibo, na yung mga pinalalabas mo mga malalaswa, so hindi lahat ng kadugo mo ay natutuwa sa aksyon mo dahil dala mo yung apelyido namin, Fowler, ‘di ba? Hindi lang naman ikaw ang Fowler. Wala ka ring karapatang babuyin ‘yan kasi hindi lang din sa’yo ‘yan,” saad ng kapatid ni Toni.

Baka Bet Mo: Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

Dagdag pa niya, “Maraming Fowler ang iningatan din ang kanilang apelyido, ngayon nagiging basher mo, siyempre sinasabihan ka, dahil hindi tayo malayang-malayang gawin ang mga bagay na makakasira sa pangalan.”

Nagtataka nga rin daw sila kung bakit “naghuhubad” pa rin ito gayong may pera na naman daw si Toni. At ang tingin rin daw nito ay bina-bash siya ng mga kaanak gayong concern lang naman daw ang mga ito.

Agad naman nakarating sa vlogger ang pahayag ng kanyang kuya kaya naman nag-react agad ito at nagsalita rin sa pamamagitan ng Facebook live.

Sabi ni Toni, noong mga panahong nagsisimula pa lang siyang mag-vlog ay agad siyang sinabihan na dapat siyang tumulong sa mga ito at inobliga raw siyang i-share ang mga vlogs ng mga ito para makilala.

Sabi pa niya, kung ayaw raw ng mga itong madamay sa mga ginagawa ng kapatid ay i-deny na lang nito ang koneksyon ng mga ito sa kanya.

“Ang daming ‘Fowler’ sa mundo, pwede niyo ‘ko i-deny [na kapatid niyo ‘ko]. Itakwil niyo ‘ko, katulad [ng] paglayo ko sainyo,” gigil na sabi ni Toni.

“Para di na kayo naapektuhan sa lahat ng ginagawa ko… kadugo ko lang kayo, pero ‘di ko kayo pamilya!” dagdag pa nito.

Aniya, ang toxic na raw kasi ng ginagawa ng mga kamag-anak niya laban sa kanya.

“Hindi ko na kayo kinikilala kasi ang toxic niyo… Sobra na ‘to. [Ilang] taon niyo na akong binu-bully. Tigilan niyo ‘ko,” giit ni Toni.

Related Chika:
Toni Fowler handang bigyan ng bagong cellphone si Moira: Para makita mo ang tunay mong halaga

Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay’

Read more...