NAGLABAS na ng official statement ang talent manager at host na si Noel Ferrer hinggil sa balitang isa ang alaga niyang si Kuya Kim Atienza sa magiging host ng bagong “Eat Bulaga.”
Bago pa umere uli nang live sa GMA 7 ang longest-running noontime show sa Pilipinas kahapon, June 5, may mga naglabasang chika na makakasama si Kuya Kim sa mga bagong hosts nito.
Mismong ang manager na ng Kapuso TV host at Trivia Master ang sumagot kung totoo nga bang makaka-join nina Paolo Contis, Buboy Villar at Betong Sumaya si Kuya Kim.
Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni Noel ang kanilang paglilinaw tungkol sa isyu at mariin ngang pinabulaanan ang mga naglabasang chika.
“THANK YOU FOR KEEPING @kuyakim_atienza TOP OF MIND IN PREMIERE HOSTING PLATFORMS (because he certainly works hard and delivers very well in all of them).
“But we’d like to clarify that HE CANNOT DO THE EAT BULAGA REPLACEMENT SHOW as it conflicts with his prior commitment with the daily program TIKTOCLOCK (which is also performing very well in the ratings) produced by GMA Network where Kim is contracted as an exclusive talent,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng talent manager.
Baka Bet Mo: Kuya Kim, Paolo, Buboy, Betong, Mavy, Cassy babandera sa bagong ‘Eat Bulaga’ kapalit ng TVJ at original Dabarkads?
Ang “TiktoClock” ay ang morning show ng GMA 7 hosted by Kuya Kim, Pokwang, Rabiya Mateo, Jayson Gainza at marami pang iba.
Dagdag pa ni Noel, “THANK YOU VERY MUCH & HAPPY MONDAY EVERYONE!!! #LetGodGuideOurWay #ForeverGrateful.”
Samantala, umani ng batikos ang live episode kahapon ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 matapos ipakilala ang mga bagong host nito.
Sa katunayan, binoykot pa ito ng mga loyal viewers ng “Eat Bulaga” bilang pakikisimpatya at pagrespeto sa iconic trio na TVJ at sa iba pang Dabarkads na nag-resign sa TAPE.
Grabe ang natanggap na mga hate message ng programa at ng mga bagong hosts nito, kabilang na nga riyan sina Paolo, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Casy Legaspi at Mavy Legaspi. Binansagan pa ngang “Fake Bulaga” ang kanilang show.
Meron din namang nagtanggol sa bagong “Eat Bulaga” na nagsabing bigyan daw muna ng chance ang programa pati na ang grupo nina Paolo bago sila husgahan nang bonggang-bongga.
Ayon naman kina Paolo, Betong at Buboy, napakalaking karangalan para sa kanila ang maging bahagi ng longest-running noontime show sa Pilipinas. Sey pa ni Paolo, wala silang planong palitan ang TVJ.
Related Chika:
Kuya Kim, Joross, Kakai kumampi kay Michael V sa isyu ng content creator: ‘Amen brother! It’s not about views, it’s about value’
Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?