Kuya Kim hindi natatakot mamatay: 'Alam kong pupunta ako sa langit' | Bandera

Kuya Kim hindi natatakot mamatay: ‘Alam kong pupunta ako sa langit’

Ervin Santiago |April 02,2023
facebook
share this

Kuya Kim hindi natatakot mamatay: ‘Alam kong pupunta ako sa langit’

Ervin Santiago - April 02, 2023 - 10:55 AM

Kuya Kim hindi natatakot mamatay: 'Sigurado akong pupunta ako sa langit'

Boy Abunda at Kim Atienza

NANINIWALA ang Kapuso TV host na si Kim Atienza na kapag namatay siya at namaalam na sa mundo ay sa langit siya mapupunta at hindi sa impiyerno.

Ayon kay Kuya Kim, hindi raw siya natatakot mamatay at kahit kunin daw siya ni Lord anytime ay handang-handa na siya dahil lahat naman daw ng tao ay doon din ang ending.

“Hindi na ako takot mamatay, I can die today. Kasi alam ko kung saan ako pupunta. Alam kong pupunta ako sa langit,” ang pahayag ni Kuya Kim sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday, March 30.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Pagpapatuloy pa ng Kapuso TV host, “Because I have accepted Jesus Christ as Lord and Savior and repented for my sins.”

Ngunit ipinagdiinan ni Kuya Kim na hindi rin siya perfect at sakdal-linis dahil nagkakasala pa rin naman siya pero pinagsisihan at naihingi na niya ng kapatawaran ang mga ito sa Panginoon.

Baka Bet Mo: Pangulong Duterte mas gugustuhing mamatay kaysa humarap sa ICC

“I still sin. All have sinned and fell short of His glory. I still sin. But I repented all of that,” aniya pa.

Maniniwala rin siya na sa kabila ng mga nagawa niyang kasalanan, “Sigurado ako pupunta ako sa langit. Not because of my doing, not because of my works.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


“Because I have faith in Him, and because He died on the cross for me,” pagbabahagi pa ng TV host.

Kung may natitira na lamang siyang ilang oras sa mundo, ano ang gagawin niya? “Pupunta ako sa misis ko, kakausapin ko at yayakapin ko. Sasabihin ko mahal ko siya.

“Kakausapin ko lahat ng anak ko na nasa Amerika, sasabihin ko kung gaano ko sila kamahal. Pupuntahan ko ang mga magulang ko.

“Lahat ng taong puwede kong sabihan na mahal na mahal ko sila, sasabihin ko lahat. At kung may atraso pa ako kung kanino man,” tugon ni Kim Atienza.

Dalawang beses nang nalagay sa peligro ang buhay ni Kuya Kim, una noong 2010 nang magkaroon siya ng mild stroke at noong 2013 nang ma-diagnose siya ng life-threatening rare disease na Guillain-Barre Syndrome (GBS) na isang “rare disorder in which your body’s immune system attacks your nerves.”

“I was so weak, I was paralyzed. I thought I was going to die. That’s when I totally leaned on Him and I said, ‘Lord, Ikaw na ang bahala,’” pahayag noon ni Kim Atienza.

Arnold Clavio: Sa mga umaasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carmina may pa-loveteam epek kina Richard at Dominic: Pero hindi naman ito hardsell na love triangle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending