Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim? | Bandera

Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?

Therese Arceo |February 03,2023
facebook
share this

Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?

Therese Arceo - February 03, 2023 - 04:50 PM

Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?

NILINAW ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na maayos ang samahan nila ng “It’s Showtime” co-host na si Karylle.

Matatandaang marami sa mga netizens ang nag-callout sa komedyante dahil sa tila pagiging bastos ng mga hirit nito sa kaibigan sa kanilang Thursday episode.

May sinasabi kasi si Karylle patungkol sa request umano ni Vhong ngunit parang nasopla siya ni Vice na siyang hindi nagustuhan ng mga netizens.

Kaya naman agad itong tinalakan ng mga netizens na naging dahilan para mag-trending ito sa Twitter.

Nakita at nabasa naman ni Vice ang mga mensahe ng netizens sa kanya patungkol sa hindi magandang treatment nito sa kaibigan.

In-acknowledge naman ng komedyante ang kanyang naging pagkakamali.

“Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away,” sey ni Vice.

At kanina nga sa “It’s Showtime” ay makikitang maayos naman ang relasyon ng dalawa.

“Gandahan natin ang performance. Nag-uusap kami nila Karylle kanina tsaka nila Anne. Galingan natin, ang daming nanonood sa atin ngayon!” sey ni Vice.

Posturang-postura kasi ang mga hosts at talagang pinaghandaan ang mga outfits lalo na si Anne.

“Mamaya magbi-video kami ni Karylle. Magsasabunutan po kami. Gusto nila ‘yon,” chika pa ni Vice.

Sagot naman ni Karylle, “Mag-stretching muna ako. Abangan mo. Ang glue, i-ready na… Stand by na ang tape.”

Tila may patutsada naman ang Kapamilya comedian sa dati nilang co-host na si Kuya Kim. Bagamat hindi pinangalanan ay gets naman agad ng madlang pipol kung sino ito dahil sa sinabi niyang “Kuya”.

“Yan ang bet nila. ‘Yung magkaaway tayo kunyari. Tapos maraming magla-like like para involved sila. Yes, trending din siya. Nakuha niya ‘yung gusto niya. Ikaw talaga kuya!” hirit ni Vice na ikinahiyaw ng mga kasamahan.

Matatandaang isa si Kuya Kim sa mga nag-react at nagpadala ng mensahe sa dating kasamahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Sey ni Kuya Kim, “I love you Karylle. [She] is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle.”

Nag-post rin si Vice sa Twitter upang linawin na talagang ok sila ng kaibigan.

“Story time! Magkakasama kami ni K at Tyang and Anne sa dressing room. Di daw sya naoffend when i asked her. But i still apologized. So to simplify WE ARE OK,” lahad ng Unkabogable Star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sigaw ng netizens, Vice Ganda hindi na raw nirespeto si Karylle: ‘Magkaiba po yung pagbibiro sa pagiging bastos!’

Vice Ganda aminadong ‘sablay’ sa hirit kay Karylle, nangakong babawi sa kaibigan

Karylle walang balak layasan ang ‘Showtime’, labs na labs ang madlang pipol

Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending