Vice Ganda aminadong 'sablay' sa hirit kay Karylle, nangakong babawi sa kaibigan | Bandera

Vice Ganda aminadong ‘sablay’ sa hirit kay Karylle, nangakong babawi sa kaibigan

Therese Arceo |February 03,2023
facebook
share this

Vice Ganda aminadong ‘sablay’ sa hirit kay Karylle, nangakong babawi sa kaibigan

Therese Arceo - February 03, 2023 - 10:02 AM

Vice Ganda aminadong 'sablay' sa hirit kay Karylle, nangakong babawi sa kaibigan

INAMIN ni Unkabogable Star na si Vice Ganda na sumablay siya sa kanyang mga hirit sa co-host niya sa “It’s Showtime” na si Karylle.

Marami nga sa mga netizens ang nakapansin at nabastos sa paraan ng pagtrato ng komedyante sa kanyang kasamahan kaya naman agad itong nag-trending sa social media dahil sa pangko-callout ng mga netizens.

Ang naging dahilan ng tuluyang pag-callout ng netizens ay ang pambabara ni Vice sa anak ni Zsa Zsa na siyang nagsasabi lang ng saloobin ng kasama nilang si Vhong na biglang hindi nakakanta sa kanilang unang segment dahil binigay ito sa iba ng komedyante.

Sa kanyang Twitter account ay naglabas ng pahayag ang komedyante patungkol sa isyung kinakaharap.

“Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away,” saad ni Vice.

Sa kabila nito ay marami pa ring hindi natutuwa sa komedyante dahil hindi raw tunog sincere ang pahayag nito.

“She’s my classmate in OB. She is so nice, down to earth and well mannered lady. Walang arte. Also – ung pag acknowledged mo Vice tunog hindi sincere. Unsubscribing to your channel. Please be a better person. Specially kela Negi,” saad ng isang netizens.

Comment pa ng isa, “sobrang off talaga ng ganung pag uugali mo accla. not just to karylle but to lassy as well. bawas bawasan ang pagiging superior mo over your co hosts to the point na napapahiya sila. I know signature mo yon to make people laugh, pero limitahan lang.”

May nagsasabi rin na kaya raw tila ini-echapwera ngayon si Karylle dahil mas bet nitong ibandera ang kanyang mga talent na sina Jackie at Cianne.

“I think madami nasasaktan is because we all know na si @anakarylle is one of the main and original hosts. She never left almost everyday present and Vice pushes for new artists kung saan may commission sya,” sey ng isang netizen.

Kaya naman abangers na ngayon ang netizens kung ano ang mangyayari mamaya sa “It’s Showtime” at kung paano nga ba babawi ang Unkabogable Star sa kanyang kaibigan.

Samantala, wala pa namang pahayag si Karylle hinggil sa obserbasyon ng madlang pipol sa pagtrato sa kanya ng kasamahan lalo na’t isa siya sa mga original hosts ng naturang show.

Related Chika:
Sigaw ng netizens, Vice Ganda hindi na raw nirespeto si Karylle: ‘Magkaiba po yung pagbibiro sa pagiging bastos!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karylle umiiyak na umamin kay Vhong: ‘Sorry dahil naubos ‘yung pag-asa ko’

Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Vice Ganda itinuturing na superhero si Ion Perez: He fully understands me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending