Karylle umiiyak na umamin kay Vhong: 'Sorry dahil naubos ‘yung pag-asa ko' | Bandera

Karylle umiiyak na umamin kay Vhong: ‘Sorry dahil naubos ‘yung pag-asa ko’

Ervin Santiago |January 17,2023
facebook
share this

Karylle umiiyak na umamin kay Vhong: ‘Sorry dahil naubos ‘yung pag-asa ko’

Ervin Santiago - January 17, 2023 - 08:56 AM

Karylle umiiyak na umamin kay Vhong: 'Sorry dahil naubos ‘yung pag-asa ko'

Karylle at Vhong Navarro

UMIIYAK na nag-sorry ang TV host-singer na si Karylle kay Vhong Navarro sa live episode kahapon ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime.”

Inamin ni Karylle sa harap mismo ng komedyante na nawalan na siya noon ng pag-asa na makakabalik pa ito sa kanilang show matapos ngang makulong nang halos tatlong buwan dahil sa kasong rape.

Isa-isang nagbigay ng message kay Vhong ang mga kasamahan sa “It’s Showtime” nang magbalik na nga ito sa programa kahapon, January 16.

Nagbiro muna si Karylle na hindi  muna siya magsasalita at nagsimula na mga siyang maging emosyonal. Aniya, “Damang-dama ko ‘yung pagbabalik mo. Hindi ko kaya ‘to. Next! Pass!”

Pagpapatuloy pa ng aktres at singer na nangingilid na ang luha, “Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, kasi nawalan ako ng pag-asa talaga. Sorry na naubos ‘yung pag-asa ko.”

“Pero minsan, may dumarating na madlang people, sasabihin nila na one day, mangyayari ‘to. At nandito ka ngayon. I’m just so grateful.

“Ang pogi mo ngayon,” ang umiiyak at natatawang pahayag pa ni Karylle kay Vhong na napaiyak na rin.

Mensahe naman ni Vice Ganda, “Sobrang sincere lang nu’n, na nawalan siya ng pag-asa, kasi it happens.

“Darating ang panahon na mawawalan tayo ng pag-asa, and okay lang ‘yun. Ang mahalaga mabawi natin ‘yung pag-asang nawawala.

“Hindi naman tayo puwdeng magpaka…‘yung sinasabing toxic positivity. Normal iyon, e, na parang walang pag-asa. Normal na mararamdaman ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karylle (@anakarylle)


“Ang mahalaga ay mabawi natin ‘yung pag-asa, katulad ngayon. Buhay. Akala mo lang nawala, pero lumabo lang, nandiyan pa rin,” mariing sabi pa ni Vice Ganda.

Ito naman ang pahayag ng isa pang co-host ni Vhong na si Jugs Jugueta,v“Humihingi lang ako ng sorry sa ‘yo at sa pamilya mo dahil hindi ako nakapagbisita sa ‘yo noong pinaka kailangan mo kami, ako. Hindi ako nakapunta para sa ‘yo. Pero ‘pag mapatawad mo ako, babawi ako sa ‘yo.

“Tatawagin kitang ‘guwapo’ araw-araw parang dati, hangga’t maasar si Ate sa akin,” birong sabi pa ng singer.

Sagot naman ni Vhong sa kanya, “Wala kang dapat ipagpaumanhin o i-sorry. Lahat, naiiintindihan ko.”

Sabi naman ni Vice, “Sabi niya (Vhong), ‘Alam mo, naiiintindihan ko, wala akong nararamdamang sama ng loob.’

“Ang pinakamagandang nangyari sa ‘yo, ‘yung wisdom na binigay sa ‘yo ng pagsubok na ‘to. Sobrang nakakatalino ‘to. Sobrang pang-unawa ng binibigay sa ‘yo nito. Sobrang paglaki ng puso mo ang mararanasan mo. Lahat maiiintindihan mo.

“Ano pa bang mas sasakit sa naranasan mo? Ang sakit-sakit na nu’n. Kaya mas lalo kang malakas ngayon, mas lalo kang mapagpakumbaba, at mahahawa kami ng humility mo na ‘yan,” dagdag ni Vice.

Dalawang buwang nakulong sa National Bureau of Investigation (NBI) detention center ang komedyante at two weeks sa Taguig City Jail dahil sa kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Pansamantala siyang nakalaya matapos magpiyansa ng P1 million nitong nagdaang Disyembre.

Vice nagparamdam: Karylle may plano na nga bang layasan ang Showtime?

Hugot ni Zoren kay Carmina: Huwag na huwag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa ‘yo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn nagpadala rin ng ‘pampaswerte’ kay Rabiya: Kahit anong mangyari, proud kami sa ‘yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending