Toni Fowler handang bigyan ng bagong cellphone si Moira: Para makita mo ang tunay mong halaga | Bandera

Toni Fowler handang bigyan ng bagong cellphone si Moira: Para makita mo ang tunay mong halaga

Therese Arceo |May 17,2023
facebook
share this

Toni Fowler handang bigyan ng bagong cellphone si Moira: Para makita mo ang tunay mong halaga

Therese Arceo - May 17, 2023 - 06:26 PM

Toni Fowler handang bigyan ng bagong cellphone si Moira: Para makita mo ang tunay mong halaga
MUKHANG pati ang singer na si Moira dela Torre ay maaambunan ng bonggang pa-cellphone ng social media influencer na si Toni Fowler.

Nakisali rin kasi ang singer sa social media trend kung saan ginamit nito ang lyrics ng kantang “MPL” sa kanyang caption nang magpalit ito ng profile picture sa Facebook.

“‘Ako’y tahimik lang sa umpisa…’ eme. di ako yon,” paggamit ni Moira sa lyrics ng kanta ni Toni.

Isang netizen naman ang nagkomento sa kanyang picture at sinabing baka maunahan pa siya ng dinger na magkaroon ng bagong cellphone.

Baka Bet Mo: Toni Fowler tatanggalin nga ba sa ‘Batang Quiapo’ dahil sa kontrobersyal na music video?

“Baka magka iPhone si Ate Moira, mauunahan pa ata ako hahaha,” comment ng isang netizen.

Reply naman ni Moira sa netizen, “Ubos na daw po ata iphone 14 ni mama oni [Toni].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad namang nakarating sa social media influencer na si Toni Fowler ang comment ni Moira at nag-reply sa naturang thread nila ng netizen.

At mukha ngang nakahanap ng katapat ang kilalang hugutera ng OPM sa naging komento ng social media influencer.

“Meron pa dito tatlo camera neto para makita mo ang tunay mong halaga,” sey ni Toni.

Hindi naman ito ang unang beses na nag-react ang social media influencer sa post ni Moira.

Nauna nang nag-comment si Toni ng “May lemon ako gusto mo tequila?” na umani rin mg nakakaaliw na reaksyon mula sa madlang netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

Toni Fowler napraning dahil sa lalaki: May bumubulong sa akin na, ‘Mamatay ka na lang, wala kang kuwentang nanay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending