Angelica naniniwalang magiging mabuti at responsableng tatay si Gregg: Happy Father’s Day my Love! Bandera

Angelica naniniwalang magiging mabuti at responsableng tatay si Gregg: Happy Father’s Day my Love!

Ervin Santiago |June 19,2022
share this

Angelica naniniwalang magiging mabuti at responsableng tatay si Gregg: Happy Father’s Day my Love!

Ervin Santiago - June 19, 2022 - 03:58 PM

Gregg Homan at Angelica Panganiban

HINDI pa man niya isinisilang ang panganay na anak, talagang may paandar na Father’s Day greeting na si Angelica Panganiban para sa kanyang partner na si Gregg Homan.

Naniniwala raw ang Kapamilya actress na magiging mabuti, masipag at responsableng tatay si Gregg sa magiging anak nila.

Ngayong Araw ng mga Ama, nag-post sa Instagram si Angelica ng isang video clip kung saan makikitang kinakausap ng kanyang boyfriend ang sanggol sa tiyan niya na akala mo’y nagkakarinigan talaga silang mag-ama.

“This is your daddy’s face,” ang paulit-ulit na sabi ni Gregg habang hinahalikan ang maumbok na tiyan ni Anngelica.

“You’re getting so big na. Can’t wait to see you next month. We get to know if you’re a boy or a girl,” ang sabi pa ng future daddy sa kanyang magiging anak.

Ang caption naman ni Angelica sa ibinahagi niyang video sa IG ay, “I know your gonna be a great one. Happy Father’s Day my Love.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Last week, ibinandera nina Angelica at Gregg na babae ang magiging first baby nila.

Noon namang March 20 nila in-announce na magiging parents na sila after one year ng paghihintay. Nito lamang July ay ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary as a couple.

“Sa wakas! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.”

“Opo, may matres ako mga baklaaah!

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin.

“Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko. Kaiyak pramis,” ang naging pahayag ni Angelica noong una niyang ihayag sa buong universe ang kanyang pagdadalang-tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending