Hirit ni Luis sa mga paandar ni Baby Peanut: Nagla-laptop na siya, nagsu-sudoku... | Bandera

Hirit ni Luis sa mga paandar ni Baby Peanut: Nagla-laptop na siya, nagsu-sudoku…

Ervin Santiago |March 07,2023
facebook
share this

Hirit ni Luis sa mga paandar ni Baby Peanut: Nagla-laptop na siya, nagsu-sudoku…

Ervin Santiago - March 07, 2023 - 06:48 AM

Hirit ni Luis sa mga paandar ni Baby Peanut: Nagla-laptop na siya, nagsu-sudoku...

Luis Manzano at Baby Peanut

TAWA kami nang tawa sa mga birong pahayag ng TV host-actor na si Luis Manzano patungkol sa panganay na anak nila ni Jessy Mendiola na si Isabella Rose o Baby Peanut.

Talagang enjoy na enjoy ngayon si Luis bilang first-time daddy at sinisiguro niya na kahit patuloy na dumarami ang kanyang trabaho ay nananatili siyang hands-on tatay kay Baby Peanut.

Sey ng husband ni Jessy, halos ayaw na raw niyang umalis ng bahay kapag nakikipaglaro sa kanya ang bata. Hirap na hirap siyang umalis patungong trabaho kapag iiwan na niya ang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


“’Eto totoo ‘to ha, napi-feel ko na ‘to, ’yung sinasabi ng ibang mga magulang na uwing-uwi na sila.. Tapos si Jessy, ang ginagawa, nagpapadala ng mga videos ni Peanut. It’s so hard to leave the house,” chika nang makapanayam sa star-studded first anniversary celebration ng Bingo Plus last Saturday night.

Sa tanong kung ano ang gusto at ayaw niyang mamana sa kanya ng anak, “’Yung gusto, I think, that’s for other people to answer. Ayoko namang sabihin ‘yung magagandang katangian ko, na sobrang smart ko.”

Ngunit ani Luis, baka raw ‘yung kakulitan niya ang parang ayaw niyang gayahin o mamana ng anak niya.

Dalawang buwan na ngayon si Baby Peanut, “Kanina bago ako umalis ng bahay nakita ko siya…kasi ngayon ang hilig niya nagla-laptop siya. Nu’ng isang araw pagbaba ko nagsu-sudoku.

“Buti sana kung mali-mali ang sagot, tama lahat. Ganu’n katalino ang anak ko,” biro pa ni Luis sabay tawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Samantala, isa si Luis sa pinakaunang endorser ng Bingo Plus, ang first live streaming bingo sa Pilipinas.

Ni-launch ang nasabing brand noong January, 2022 at sabi ni Luis, one year na rin siyang parte ng lumalaking pamilya ng Bingo Plus.

“It’s nice when you have something like this and you grow together. That’s the best part,” aniya pa.

Ginanap sa Grand Hyatt Hotel Manila ang first anniversary ng Bingo Plus at in fairness, dinaluhan ito ng naglalakihang personalidad at celebrities.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA ARTISTS AGENCY (@vivaartistsagency)


Bukod kay Luis, rumampa rin sa event sina Regine Velasquez, Vice Ganda, SB19, Billy Crawford and Coleen Garcia, Bela Padilla, Sam Concepcion, Bea Binene, Alamat, Nikko Natividad, Wilbert Ross, McCoy de Leon, Daryl Ong, Lea Jane, Bianca Santos, Carlyn Ocampo, This Band, Kim Molina, Katrina Velarde at marami pang iba.

Sa nasabing event ay namigay ng P50 million ang Bingo Plus sa Mega Jackpot at P1 million worth of raffle giveaways to all its supporters.

Nag-donate rin ang Bingo Plus ng more than P10 million to a charity as a sign of giving back and gratitude to all its loyal supporters since its launch.

Squad Plus star Keann Johnson itutuloy pa rin ang pangarap na maging doktor

Vilma ‘heaven’ ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: ‘Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Squad Plus member Renshie suportado ang LGBTQ: Walang mali kung gay o bisexual ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending