Squad Plus star Keann Johnson itutuloy pa rin ang pangarap na maging doktor
SA June na ang simula ng lock-in shooting para sa “Boy Foretold By The Stars” series, ang sequel ng pelikula nina Adrian Lindayag at Keann Johnson mula sa direksyon ni Dolly Dulu handog ng Clever Minds at Dreamscape Entertainment para sa iWantTFC.
Walang mababago sa cast pero may ikatlong karakter na ipakikilala na ang pangalan ay Gio na mai-involve kay Adrian kaya ang naisip namin baka mangangaliwa si Dominic kay Luke?
Anyway, umingay ang pangalan ni Luke o Keann sa pelikulang “Boy Foretold by The Stars” na kasama sa nakaraang Metro Manila Film Festival dahil sa pagiging vocal nito na open siya sa same sex relationship pero hindi pa naman niya ito nasubukan.
Bukod sa pagiging cute o boy next door ni Keann ay nagustuhan din ang acting niya bilang baguhan at nangakong mas lalo pa niyang pagbubutihin ito sa mga susunod niyang proyekto.
Walang iniidolong aktor si Keann o peg sa pag-arte dahil mas gusto niyang masabihang tatak niya ito na masasabing kanya lang.
Katwiran niya, “Siyempre as an actor you’re supposed to portray any role that’s given to you. And then let’s be honest I can never aim to be Daniel Padilla or si Tony Labrusca kasi siyempre first of all I want to make my own name and secondly, I want to be a versatile actor.
“Kung gawin akong good boy, I will do it and kung gawin akong kontrabida by all means as well. I don’t want to stick to just that one role na i-si-stick sa akin,” aniya pa.
Nagsimula bilang ramp model si Keann, “I started off sa modeling and then I veered into commercial modeling. At that time I was really exploring the things that I wanted to do.
“Sa totoo lang I didn’t want to be any part of showbiz before. But as you can see I feel more hyped that ever. It’s because the more I got into the industry, the more I became more adventurous.
“And then from commercial modeling nag-venture out ako into network and film. And then dire-diretso na yung mga projects up until yung The Boy Foretold by The Stars nu’ng December,” kuwento ng aktor.
At isa pang ipinagpapasalamat ni Keann ay kasama na siya sa Squad Plus na may bagong programa ngayon kaya nahinto siya sa pag-aaral dahil hindi kinaya ng oras, lalo’t magsisimula na nga siya sa “Boy Foretold by the Stars” the series.
Pero pangako ni Keann sa sarili na kahit anong mangyari ay magtatapos siya ng pagdodoktor na matagal na niyang pangarap.
“I’ll be perfectly honest, I’d still choose medicine because that was my original dream since I was a child and I can’t steer away from that just because something else entered my life. But that doesn’t mean I will always stick to that one dream.
“Siyempre we’re given the awesome gift that we can have multiple dreams that’s why I also have being an artist as part of my goals in life. I think sa totoo lang, it’s a domino effect.
“How can you have a career if you don’t have education? I’ll prioritize education and then the career will follow. You can do nothing without education kaya importante din mag-aral and what not,” diin ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.