Mavy, Kyline nagpasabog ng kilig sa socmed: 'paasa moments' ang hatid sa seryeng 'Zero Kilometers Away' | Bandera

Mavy, Kyline nagpasabog ng kilig sa socmed: ‘paasa moments’ ang hatid sa seryeng ‘Zero Kilometers Away’

Ervin Santiago |February 02,2023
facebook
share this

Mavy, Kyline nagpasabog ng kilig sa socmed: ‘paasa moments’ ang hatid sa seryeng ‘Zero Kilometers Away’

Ervin Santiago - February 02, 2023 - 07:21 AM

Mavy, Kyline nagpasabog ng kilig sa socmed: 'paasa moments' ang hatid sa seryeng 'Zero Kilometers Away'

Many Legaspi at Kyline Alcantara

NAGPASABOG ng kilig sa kanilang fans ang Sparkle sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa pamamagitan ng mga photo at video clips na kuha sa set ng “Zero Kilometers Away.”

Good vibes ang dala ng MavLine na nagsimula nang mag-taping para sa nasabing digital series under GMA Public Affairs.

Makikitang komportable na nga ang dalawa sa isa’t isa kaya naman natural ang kilig na mapi-feel sa kanilang mga ganap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)


Gagampanan nina Mavy at Kyline ang mga karakter nina Ardi at Gwen, ang matalik na magkaibigan na parehong gumagamit ng iba’t ibang dating apps.

“I’m very excited kasi ang daming makaka-relate sa series na ito,” say ni Mavy sa isang interview.

Ano nga ba ang dapat abangan sa kanilang digital series?

“Paasa moments! Ha-hahaha! Magiging sila na ba? Or paasa in a way na sana naman maging sila na, or lalayo ba ‘to? Lalayo ba siya? May mami-meet ba siya? Magiging sila ba nu’ng mami-meet niya?” ang patikim ni Kyline sa tema at kuwento ng kanilang bagong serye.

* * *

Nagpamalas ng Pinoy pride si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith matapos makapasok sa 2023 Sundance Film Festival ang pinagbibidahan niyang horror film na “In My Mother’s Skin.”

Personal ding dumalo si Jasmine sa European Premiere Night na ginanap sa Rotterdam, The Netherlands kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith)


Ang naturang movie ay tungkol sa physical and supernatural forces at psychological trauma. Kabilang ito sa walong pelikulang napili para sa prestihiyosong International Film Festival.

Talaga namang pang-world-class talaga ang talent at beauty ni Jasmine!

* * *

Usap-usapan at umani ng papuri mula sa netizens ang unang pasilip sa mythical mega serye ng GMA Network, ang “Mga Lihim ni Urduja.”

Inilabas na nga ang teaser sa social media accounts ng GMA Drama. Kitang-kita ang ganda ng visuals, kakaibang kwento, at star-studded cast na pinangungunahan ng “Encantadia” Sang’gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Iikot ang istorya nito sa paghahanap nina Crystal (Gabbi) at Gem (Kylie) sa mga nawawalang hiyas na pinaniniwalaang pag-aari ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)


May libu-libong views na ang nasabing teaser in less than 24 hours.

Marami rin ang nagsabi na mala-foreign series ang quality nito. Say ng isang netizen, “Lakas maka-Alice in Borderland! Gandaaa astig talaga ng GMA! Naglevel-up na talaga ang GMA! Iba talaga sobrang napakalayo na ng mga nagagawa nila.”

Bukod sa reunion nina Kylie, Gabbi, at Sanya, dapat ding tutukan sa serye ang pagsasama-sama nina Arra San Agustin, Michelle Dee, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Jeric Gonzales, Rochelle Pangilinan, at Zoren Legaspi.

Abangan ang “Mga Lihim ni Urduja” ngayong Pebrero na sa GMA Telebabad.

Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Derek, Ellen muling nagpasabog ng kilig sa prenup video; naghalikan sa tuktok ng bundok

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mavy, Kyline magtatambal sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’; ex-Hashtag member Kapuso na rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending