Mavy, Kyline magtatambal sa 'I Left My Heart in Sorsogon'; ex-Hashtag member Kapuso na rin | Bandera

Mavy, Kyline magtatambal sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’; ex-Hashtag member Kapuso na rin

Ervin Santiago |June 23,2021
facebook
share this

Mavy, Kyline magtatambal sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’; ex-Hashtag member Kapuso na rin

Ervin Santiago - June 23, 2021 - 09:43 AM

SASABAK na sa kanilang unang teleserye bilang magka-loveteam ang Kapuso youngstars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Makakasama ang dalawa sa upcoming GMA series na “I Left My Heart in Sorsogon” na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis. 

Kabilang sina Kyline at Mavy sa cast members na dumalo sa ginanap na story conference ng programa kahapon.

Ayon sa isang taga-production, kitang-kita ang excitement sa mukha ng dalawang Kapuso stars dahil sa kanilang pagtatambalan na serye at sa mga makakatrabaho nila sa magiging lock-in taping sa Sorsogon.

Samantala, mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang balitang nagkakamabutihan na raw sina Mavy at Kyline. 

Usap-usapan ng kanilang fans ang chika na ang tinutukoy ng binata sa kanyang mga social media post na mystery girl ay si Kyline.

Sa Instagram Story ni Mavy nitong Lunes ay may ibinahagi siyang eksena mula sa bagong music video ni Darren Espanto kung saan makikitang nakangiti si Kyline at may caption na, “Tama na. Akin na muna siya.” 

Mas umingay pa ang balita nang i-post ni Mavy ang larawan ng isang babaeng hindi kita ang buong mukha na nakangiti at labas ang dimples na may caption na, “Her. Her smile. Her dimples. Yup, that’s the post.” 

Dahil sa hugot post ng binata, bumuhos ang panunukso mula sa kanyang fellow celebrities tulad nina Rayver Cruz, Rita Daniela, Andre Paras, Juancho Trivino, at pati na ang kakambal niyang si Cassy Legaspi. 

Matatandaan na sa isang previous interview ay nabanggit ni Mavy na nais niyang makatrabaho si Kyline sa kanyang first teleserye na tinupad na nga ng GMA 7.

* * *

Ganap nang Kapuso ang dating Kapamilya at Hashtag member na si Luke Conde matapos pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center kamakailan. 

Kuwento ni Luke, dalawa sa mga pangarap niyang makatrabaho sa GMA ay ang mga aktres na sina Rhian Ramos at Klea Pineda.

“Lagi kong sinasabi si Rhian Ramos pati si Klea Pineda. Sila kasi ‘yung nakikita ko na magaling sa acting and I think matsa-challenge ako kapag sila ‘yung magiging kaeksena ko. 

“Masarap sa pakiramdam na I’ll be able to give different kinds of energies while we are doing scenes dahil magaling na mga aktres sila,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang pinaghahandaan ni Luke ang magiging role niya sa upcoming mini-series na “Never Say Goodbye” kung saan makakasama nga niya si Klea Pineda. Abangan ang iba pang mga detalye tungkol dito sa mga susunod na araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending