Derek, Ellen muling nagpasabog ng kilig sa prenup video; naghalikan sa tuktok ng bundok Bandera

Derek, Ellen muling nagpasabog ng kilig sa prenup video; naghalikan sa tuktok ng bundok

Ervin Santiago |October 14,2021
share this

Derek, Ellen muling nagpasabog ng kilig sa prenup video; naghalikan sa tuktok ng bundok

Ervin Santiago October 14, 2021 - 03:24 PM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

MULING nagpasabog ng kilig at good vibea ang engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang madlang pipol sa inilabas nilang pre-wedding video ngayong araw.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang nasabing video kung saan ibinandera ng future husband and wife ang abot-langit na pagmamahal nila para sa isa’t isa.

In fairness, talagang maraming napa-hashtag “sana all” sa 59-second video clip nina Derek at Ellen na kuha ng videographer na si Bob Nicolas.

Mapapanood dito ang celebrity couple na sweet na sweet habang nasa tuktok ng bundok at palubog na ang araw.

Ellen rumesbak sa nanglait kay Derek: Hindi rin bagay sa ‘yo makialam, bakit ganda ka?

Sa isang bahagi ng video ay talagang naghalikan pa ang dalawa na tila bang sila lamang ang tao sa mundo. Kitang-kita rin sa itsura ng dalawa na super in love talaga sila sa isa’t isa, lalo ang malalagkit nilang tinginan.

May mga nagkomento nga na feeling “Adan at Eva” raw ang magdyowa sa tema at konsepto ng kanilang prenup video. 


“This video captures exactly how I feel for my beautiful wife to be. Love you @maria.elena.adarna,” ang caption ni Derek sa nasabing video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi rin ni Ellen ang teaser ng kanilang video sa IG niya na may nakasulat na, “I do love you.”

Nauna rito, nag-share rin ang engaged couple sa Instagram ng  kanilang road trip-themed prenuptial photos na kinunan pa ng wedding photographer na si Pat Dy.

Wala pang inilalabas na detalye sina Ellen at Derek kung saan at kailan magaganap ang kanilang kasal pero may mga chika na sa darating na November na ito mangyayari.

Sa isang panayam, sinabi ng hunk actor na si Ellen na nga ang kanyang “the one” kahit nga ilang buwan pa lang silang magkarelasyon.

Naging magdyowa sina Ellen at Derek noong Feb. 4, 2021 at nag-propose agad ang aktor pagsapit ng March 30.

“My heart tells me if I don’t follow through with this one, I’ll regret it. Everything in my heart is telling me that, she’s the one,” sey ng aktor.

Sey naman ni Ellen, “He met me at the right time. He met me because, during the pandemic, I fixed myself, I worked on myself. I did a lot of inner work. 

“So, at that time, I knew what I wanted na. I knew what was good for me. I knew what was bad for me. And then when I made better choices and for myself, that’s when things started to come in and everything made sense. 

“I didn’t have that desperate vibe of trying to look for love, of looking for a guy to complete me. I was already complete.

“And then Derek came, he just made it better, more beautiful. So, timing si Derek talaga. That’s how our relationship works. We communicate well,” mahabang pahayag ng celebrity mom.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending