Anne may napatunayan nang isilang si Baby Dahlia: Totoo pala 'yon, mas spoiled pa ang apo! | Bandera

Anne may napatunayan nang isilang si Baby Dahlia: Totoo pala ‘yon, mas spoiled pa ang apo!

Ervin Santiago |May 06,2021
facebook
share this

Anne may napatunayan nang isilang si Baby Dahlia: Totoo pala ‘yon, mas spoiled pa ang apo!

Ervin Santiago - May 06, 2021 - 10:18 AM

MAY isang paniniwalang Pinoy na naman ang napatunayan ni Anne Curtis simula nang isilang niya ang panganay na anak nila ni Erwan Heussaff na si Baby Dahlia.

Ayon sa TV host-actress, totoong-totoo raw pala ang palaging sinasabi ng mga nakatatanda na mas spoiled ang mga apo sa kanilang mga lolo at lola.

Yan din kasi ang nakikita niya sa kanyang Mommy Carmen mula nang isilang niya ang kanyang anak. Talagang grabe rin ang effort ng nanay niya para gabayan at tulungan siya sa pag-aalaga kay Dahlia.

Kuwento ni Anne sa isang interview para sa isa niyang endorsement, sa mahigit isang taon nilang pananatili ni Erwan sa Melbourne, Australia kung saan ipinanganak ang kanilang first born, hinding-hindi niya malilimutan ang pag-aalaga sa kanila ng kanyang nanay at kapatid na si Thomas.

“It’s made me appreciate them even more. And I’m so grateful to have been given that time to spend, let’s just say, with my mom, my brother, when I was still in Melbourne,” pahayag ng celebrity mom.

At bilang mga first-time parents, mas naging madali para sa kanila ng asawa na alagaan si Baby Dahlia, “They really helped me during the first few months of motherhood, and my husband as well.

“Just seeing my mom as a lola, in a different light, alam mo ‘yon? Mas nakikita ko pa nga na totoo pala ‘yon, na mas spoiled pa ang apo!” chika pa ni Anne sa nasabing panayam.

Dagdag pang pasasalamat ni Anne sa kanyang pamilya, “Little things like that, which made me appreciate and so thankful talaga to have them. Not only in my life, but in Dahlia’s life.”

Mula nang makauwi sa Pilipinas sina Anne nitong nagdaang Pebrero wala pang ibinabalita ang aktres kung kailan siya babalik sa mundo ng showbiz.

Wala pa ring announcement ang ABS-CBN kung mapapanood na ba uli si Anne sa noontime show na “It’s Showtime” na nagbalik na uli sa live broadcast kamakailan kahit na patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Kung matatandaan, nangako si Anne sa madlang pipol na hinding-hindi niya lalayasan ang “Showtime” kahit ano pa ang mangyari.

Sa twitter, isang netizen ang nagtanong kay Anne ng, “Moving on to Its Showtime… So dina ba babalik si @annecurtissmith?”

Ito naman ang reply ng aktres, “As I told my Showtime family during a private conversation. I will never leave It’s Showtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Been with them since day 1 and will be them until the day comes that the show has to say goodbye. But for now, mummy duties lang ako. Smiling face with 3 hearts,” sabi pa ni Anne.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending