Vice ibinandera ang pagkapanalo ni Ion bilang MVP sa 2023 Star Magic All-Star Games: ‘I’m so proud of you Babe ko!!!’
PROUD na proud ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa bagong achievement na natanggap ng kanyang asawang si Ion Perez.
Ang TV host-hunk model kasi ang itinanghal na “Most Valuable Player” sa pagtatapos ng 2023 Star Magic All-Star Games na ginanap sa SM Mall of Asia Arena kahapon, May 21.
Nanalo rin ang “It’s Showtime” basketball team na kinabibilangan ni Ion kontra Star Magic Dream Team sa score na 80-77.
Congratulations Ion! #StarMagicAllStarGames2023 #TeamShowtime @vicegandako pic.twitter.com/J3pse2N9rl
— RXL (@Roxy_Liquigan) May 21, 2023
Nakagawa si Ion ng 24 points para sa kanilang team, habang naka-14 points naman ang “Bida Man” na si Johannes Rissler kaya nagawa nilang mahabol ang Dream Team sa huling quarter ng laro.
Pagkatapos na pagkatapos ng naturang basketball game ay nag-post agad si Vice sa kanyang social media account para batiin ang kanyang partner pati na ang Team It’s Showtime.
“Im so proud of you Babe ko!!!! My MVP baby!!!!” ang sweet na sweet na tweet ni Vice.
CONGRATULATIONS TO OUR MVP, ION PEREZ 🏆🏀🧡
ION MVP NI VICE#IonPerez | Ion Perez
#StarMagicAllStarGames2023 pic.twitter.com/qVL7qU6JfD— IONatics Official 🧡 (@ionaticsfam) May 21, 2023
Samantala, hindi rin naman nagpatalbog si Daniel Padilla sa naganap na basketball game na umiskor ng 24 points para sa Dream Team habang naka-14 puntos si Lance Carr at 11 points naman si Gerald Anderson.
Dahil dito sila ang napabilang sa “Mythical 5” ng naganap na laro.
Ang iba pang Star Magic artists na nakilahok sa 2023 Star Magic All-Star Games ay sina Vhong Navarro, Ryan Bang, Zeus Collins, Jin Macapagal, Ronnie Alonte, Zanjoe Marudo, Donny Pangilinan at marami pang iba.
Ion Perez hinangaan ng netizens sa pagiging simple, Vice Ganda super proud sa asawa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.