11-year-old Pinoy singer Peter Rosalita mas lalo pang naging palaban sa ‘AGT All-Stars 2023’, binigyan ng standing ovation
SA edad na 11 ay masasabing isa talagang fighter ang Filipino young singer na si Peter Rosalita, na gumagawa ng ingay ngayon sa “America’s Got Talent: All-Stars 2023” edition.
Unang pumagitna ang bagets sa “AGT” stage noong 2021 ngunit na-eliminate siya during the live shows. Ito’y dahil bigla siyang sininok habang nasa kanyang semifinal performance kaya nagsimula siya uli.
Ngunit sa “AGT: All-Stars 2023”, mas naging palaban pa si Peter sa kanyang performance at in fairness, nakatanggap pa ng standing ovation mula sa tatlong judges ng talent competition.
“This is my second chance. I’m gonna make sure that there will be no hiccups,” ang pahayag ng bagets sa harap ng audience bago siya nag-perform.
View this post on Instagram
Talagang napanganga at napa-wow sina Simon Cowell, Heidi Klum, Howie Mandel at ang mga nasa “AGT” studio nang ibirit na niya ang kanta ni Michael Bolton na “Go The Distance.”
“You are very old-fashioned, even in terms of what you wear, the kind of song you sing. However, your voice actually got better,” reaksyon ni Simon.
“I know there’s still a lot of people to come. Having said that, that might be enough to put you through to the finals,” dugtong pa niyang papuri kay Peter.
Kamakailan naman ay pumasok na sa grand finals ng nasabing kumpetisyon ang mga Pinoy dancers na Power Duo na kinabibilangan ng real-life couple na sina Jervin at Anjanette Minor.
Ang Power Duo, na itinanghal na “Pilipinas Got Talent Season 5″ champion, ay nakapasok sa finals after winning the super fans vote.
Pinabilib nila ang mga manonood sa kanilang aerial and floor dancing with the song “You Are The Reason.”
Batang Pinoy binigyan ng standing ovation sa ‘AGT 2021’ audition; mga judge na-shock
‘AGT’ Golden Buzzer ‘Nightbirde’ pumanaw na sa edad 31 matapos makipaglaban sa cancer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.