Beks Battalion pangarap magkadyowa ng tulad ni Ion Perez; pinayuhan ni Vice Ganda pagdating sa mga lalaki | Bandera

Beks Battalion pangarap magkadyowa ng tulad ni Ion Perez; pinayuhan ni Vice Ganda pagdating sa mga lalaki

Ervin Santiago |May 16,2023
facebook
share this

Beks Battalion pangarap magkadyowa ng tulad ni Ion Perez; pinayuhan ni Vice Ganda pagdating sa mga lalaki

Ervin Santiago - May 16, 2023 - 07:28 AM

Beks Battalion pangarap magkadyowa ng tulad ni Ion Perez; pinayuhan ni Vice pagdating sa mga lalaki

Vice Ganda, Ion Perez at Beks Battalion

INAMIN ng Beks Battalion na pinapangarap din nila na magkaroon ng karelasyon tulad ng model-actor na si Ion Perez na partner ng kanilang idol at kaibigan na si Vice Ganda.

Ayon kina Lassy Marquez, MC Muah at Chad Kinis, napakasarap daw siguro ng ipinagmamalaki at ibinabandera ka sa buong universe ng taong minamahal mo tulad nga ng ginagawa ni Ion kay Vice.

Kaya sana raw ay dumating din yung panahon na makatagpo sila ng tamang lalaki na makakasama nila sa matagal na panahon at magiging proud sa kanilang relasyon.

Marami rin daw ibinibigay na advice sa Beks Battalion si Vice, kabilang na nga ang payo na unahin munang mahalin ang sarili bago ang lahat at kung talagang dumating na ang taong nakalaan para sa kanila ay go lang nang go.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero sabi ni Vice kapag nasasaktan at hindi na healthy ang relasyon at wala nang respetuhan, tigilan na at bumitaw na.

Hindi naman daw nakikialam ang TV host-comedian sa lovelife nila basta nandiyan lang daw si Vice para sa kanila.

Baka Bet Mo: Chad Kinis certified director na, pero bakit nga ba napaiyak sa presscon ng launching movie ng Beks Battalion?

Sabi ni Chad Kinis nang makachikahan namin sa presscon ng launching movie nilang “Beks Days of Our Lives”, “Siyempre, yun yung ideal (relasyon nina Vice at Ion). Yung talagang tatanggapin ka, yung proud na proud sa yo, yung ganu’n. Kasi wala namang taong gustong itinatago ka, di ba?”

Hirit naman ni MC, “Maraming ina-advice sa amin si Meme, lalo na ngayon, di ba? Sabi niya lagi sa amin, kapag happy ka, go! Pero kapag nasasaktan ka na, bitaw na.”

Singit ni Lassy, “Basta’t hindi ka na masaya, bitaw!”

“Tapos sinasabi rin niya dati, nu’ng bagets, bagets pa kami, ‘Naku, hindi bagay sa ‘yo yan, ganyan-ganyan!’ Ngayon, medyo mature-mature na kami, ang sinasabi na niya, ‘Hindi ko na kokontrahin kung sino ang mamahalin n’yo, kasi yung magpapasaya sa akin hindi ko alam kung yun ang magpapasaya sa inyo, basta kapag nasaktan ka, nandito lang ako.’

“Pero kahit sino pa yang maging partner mo, go ka lang kung sa tingin mo sasaya ka diyan. Basta go lang, peeo kapag nasakta ka, nandito lang ako,'” dagdag pa ni MC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sundot na tanong namin kung sinusunod ba nila ang mga advice ni Vice, tugon ni MC, “Oo! Go lang kami nang go, fight lang nang fight! Pero kapag nasaktan, ‘Meme!’ Iiyakan na namin siya. Ha-hahaha!”

Sa tanong kung naging matalino na sila ngayon pagdating sa lalaki? “Hindi nga, e! Ha-hahaha!” mabilis na sagot ni MC.

Sey naman ni Chad, “Kasi, hindi mo talaga yun masasabi kahit gaano ka katalino pagdating sa pag-ibig, pagdating sa puso, hindi ka makakasiguro, e. Hindi mo naman kasi mapipili ang taong mamahalin mo.

“Hindi mo makikita kaagad sa isang tao kung sino ang mananakit sa yo o kung sino ang tunay na magmamahal sa yo, kasi nasa pagsasamahan nyo yun, e,” aniya pa.

Chika naman ni MC, “Pero, kasi yung mga taong nanakit sa yo, meron ka namang lesson na matututunan doon. Binigay yun ng Panginoon para may matutunan ka.”

Chad Kinis napaiyak sa presscon ng Beks Battalion concert, pero inokray-okray pa nina Lassy at MC

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2 miyembro ng Beks Battalion tinamaan ng COVID-19; Chad Kinis nahawa sa hiniram na lip balm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending