Chad Kinis certified director na, pero bakit nga ba napaiyak sa presscon ng launching movie ng Beks Battalion? | Bandera

Chad Kinis certified director na, pero bakit nga ba napaiyak sa presscon ng launching movie ng Beks Battalion?

Ervin Santiago - May 07, 2023 - 07:35 AM

Chad Kinis certified director na, pero bakit nga ba napaiyak sa presscon ng launching movie ng Beks Battalion?

Lassy Marquez, Chad Kings at MC Muah

BIGLANG napaiyak ang komedyanteng si Chad Kinis habang nasa presscon ng launching movie ng Beks Battalion under Viva Films, ang “Beks Days of Our Lives.”

Hindi napigilan ni Chad na maging emosyonal habang nagpapasalamat sa mga kaibigan niyang sina Lassy Marquez at MC Muah na kasama nga niya sa “Beks Days of Our Lives”. Ito rin ang magsisilbing directorial debut ni Chad.

Nangyari ito sa presscon ng naturang pelikula kamakalawa, May 5, kung saan iniisa-isa nga ng director-comedian ang mga pinagdaanan nila nina MC Muah at Lassy bilang matalik na magkakaibigan at kung gaano siya ka-thankful sa dalawang kapwa komedyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon may Chad, dream come true para sa kanya ang maging direktor at mas naging espesyal pa ito dahil for the first time ay magkakaroon na ang Beks Battalion ng launching movie.

“This Beks Battalion is an unexpected family. Hindi po namin inasahan na ganito kami magiging katatag, magkakasama bilang pamilya.

Baka Bet Mo: Ex Battalion may galit nga ba kay Ai Ai matapos magbitiw bilang talent manager?

“Nagkaroon ako ng panibagong mga kapatid sa kanila. Sa totoo lang po kasi, I’ve been so alone for decades na mag-isang nagtatrabaho, papasok ako ng comedy bar, uuwi akong mag-isa.

“Nu’ng nagkaroon ng pandemya, nabuo ko ang Ex-Battalion. Parang I found a new purpose sa kanila,” pahayag ni Chad.

Kasunod nito, napaiyak na nga si Direk Chad, “Hindi lang po ako nagkaroon ng kapatid, nagkaroon ako ng pamilya, kasi merong gumagabay sa akin. Nagkaroon po ako ng bagong direksyon sa kanila.

“Kung sino po ang talagang magiging thankful dito, ako po talaga kasi tinanggap po nila ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Tinanggap po nila ako bilang pangatlo sa pamilya nila kaya hinding-hindi ko makakalimutan lagi ang kabaitan nila, ang pagtulong nila. Kung sino po ang tinutulungan dito, hindi po ako ang nakatulong sa kanila.

“Ako po ang bumuo ng Beks Battalion, pero ako po ang dinala nila pataas kaya super thankful ako sa dalawang ito,” ang patuloy pa ring lumuluhang pahayag ni Chad.

Samantala, proud namang sinabi ng Beks Battalion na “dramedy” o drama at comedy ang kanilang movie na mapapanood na sa mga sinehan simula sa May 17.

Hindi lang daw basta tatawa ang madlang pipol kapag nanood sila ng “Beks Days of Our Lives” kundi maiiyak din sila lalo na sa ending. Sabi nga ni Direk Chad, “this is not just your ordinary comedy film” dahil may puso rin at balun-balunan ang kuwento nito.

Kasama rin sa pelikula sina John “Sweet” Lapus, Debbie Garcia, Ruby Ruiz at marami pang iba.

Chad Kinis napaiyak sa presscon ng Beks Battalion concert, pero inokray-okray pa nina Lassy at MC

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2 miyembro ng Beks Battalion tinamaan ng COVID-19; Chad Kinis nahawa sa hiniram na lip balm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending