Chad Kinis super proud kay Zeinab: Ang mahalaga marunong mag-sorry at handang magbago para sa ikakabuti...love you, Nak! | Bandera

Chad Kinis super proud kay Zeinab: Ang mahalaga marunong mag-sorry at handang magbago para sa ikakabuti…love you, Nak!

Ervin Santiago - October 31, 2022 - 07:42 AM

Chad Kinis super proud kay Zeinab: Ang mahalaga marunong mag-sorry at handang magbago para sa ikakabuti...love you, Nak!

Zerinab Harake at Chad Kinis

PROUD na proud ang komedyante at miyembro ng grupong Beks Battalion na si Chad Kinis sa anak-anakan niyang si Zeinab Harake.

Ito’y matapos ngang mag-sorry sa pamamagitan ng isang public apology para sa lahat ng taong nadamay sa bangayan nila ng kapwa niya vlogger na si Wilbert Tolentino.

Isa si Chad Kinis sa mga celebrities na nagpahayag ng suporta kay Zeinab at humanga sa ginawa nitong paghingi ng tawad at pagpapakumbaba matapos ngang lumabas ang “Rebelasyon” vlog ni Wilbert Tolentino sa kanyang YouTube channel.

Matatandaang noong October 25 ay nag-sorry nga si Zeinab kina Jelai Andres, Alex Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Ivana Alawi, Robi Domingo, Sanya Lopez, Whamos Cruz, Toni Fowler at Toro Fam, Makagago, Madam Inutz at Sachzna Laparan.

Ang mga nabanggit na pangalan ay nakasama sa inilantad na screenshots ni Wilbert mula sa private conversation nila ni Zeinab.  Mababasa rito ang umano’y mga pinagsasabi ni Zeinab laban sa mga kapwa nila voggers at iba pang personalidad.

“Gusto ko lang po sana humingi ng paumanhin sa lahat ng taong napagsalitaan ko ng hindi maganda at sa mga kaibigan kong nadamay sa issue na aking kinasangkutan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


“Ate Jelai Andres, Ate Alex, Ate Donna, Ivana, Robi, Sanya, Whamos, Toni, Toro Fam, Makagago, Inuts and Sachzna. Hindi po ako magbibigay ng kahit na anong excuse, ang mga nabasa nyo po ay mga salitang nabitawan ko ng hindi ko napag isipan, tao lang din po ako katulad nyo. Ang ugali kong ito ay hindi tama at dapat kong baguhin. I’m really sorry.

“Humihingi rin po ako ng tawad sa lahat ng zebbies ko na sobrang nadismaya sa akin. Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa’y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I’m so sorry.

“I will move on and move forward from this dark chapter of my life. I will become better. Maraming salamat po. (praying hands emoji),” mensahe pa ng dalaga.

Sa post na ito ni Zeinab nag-iwan ng komento si Chad Kinis, “I am proud of you. Always change for the better Nak ha. Nagkakamali minsan pero ang mahalaga marunong tumanggap ng mali, magsorry at handa magbago para sa ikakabuti. Love you.”

Nag-reply naman sa kanya si Zeinab, “Yes mama ko, I love you, I’m sorry and thank you.”

Chad Kinis hiwalay na sa dating karelasyon, nasaktan pero hindi umiyak: It’s a different kind of pain

Model-businessman pinatunayan ang pagmamahal kay Chad Kinis; malilisyosong bashers hinamon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chad Kinis napaiyak sa presscon ng Beks Battalion concert, pero inokray-okray pa nina Lassy at MC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending