Ex Battalion may galit nga ba kay Ai Ai matapos magbitiw bilang talent manager?
Ai Ai delas Alas at Ex Battalion
WALANG kinikimkim na galit o sama ng loob ang ilang miyembro ng Ex Battalion sa Comedy Queen at Kapuso star na si Ai Ai delas Alas na dati nilang manager.
Ito ang nagkakaisang pahayag ng grupo matapos ang mga kontrobersyang kinasangkutan nila noon na naging dahilan para bitiwan na sila ni Ai Ai bilang manager.
Muling naungkat ang isyu nang humarap sa ilang miyembro ng entertainment press sa pamamagitan ng Zoom mediacon para sa kanilang digital concert na “Evoluxion”.
Taong 2019 nang ibanandera ni Ai Ai na siya na ang nagma-manage sa career ng Ex Battalion members na sina Bosx1ne, Brando, Emcee Rhenn, Flow-G King Badger at Skusta Clee.
Bumilib ang Kapuso comedienne sa galing ng grupo nang magkaroon sila ng collaboration para sa kantang “Walang Pinipili” hanggang sa magdesisyon na nga siyang hawakan ang career ng mga ito.
Sa katunayan, nakagawa pa nga sila ng pelikula noon, ang “Sons of Nanay Sabel.” Pero dahil sa ilang personal na issue at problema, binitiwan din ng komedyana ang ExB.
Ayon kay King Badger, kahit kailan ay hindi sila nagalit kay Ai Ai, at feeling niya naka-move on na sila sa kinasangkutang isyu at lalong wala raw silang sama ng loob sa komedyana.
View this post on Instagram
In fact, nagkasama pa nga sila ng Kapuso star sa Kapuso series na “Owe My Love” nina Lovi Poe at Benjamin Alves, “Naka-work ko si Mama Ai after all ng nangyari sa isang teleserye which was Owe My Love sa GMA.
“She was okay with me, we were talking, parang wala lang nangyari. We were good. Sa tingin ko, kung ganun siya sa akin, ganun din siya with the rest of the boys, parang wala lang pong nangyari,” aniya pa.
Sabi naman ni Flow G, “Ang natutunan po namin diyan is ano, siguro hindi sa lahat ng oras tama ‘yung paniniwala namin. Pero ‘yun ang nagturo sa amin na mas maging magkakampi kami sa bawat isa.”
Dugtong pa niya, “At saka isa sa mga tinatak namin sa isip namin, kahit anong mangyari ay hindi kami sasagot, kahit alam namin sa ibang bagay may point kami. Kasi, ‘yun ‘yong magpapakita na respeto ‘yung nangingibabaw sa amin. Kaya kahit kailan po, wala kaming sinabi na kahit ano tungkol kay Mama Ai.”
“Yun lang naman po ang natutunan namin, mas kampihan namin ang mga sarili namin, mas kailangan pala namin ‘yun, mas nagpatibay sa amin,” chika pa ng rapper.
Samantala, bukod kina Flow G at King Badger, makakasama rin sa three-hour digital concert na “Evoluxion” sina Brando, Honcho, Skusta Clee, Emcee Rhenn, Jroa, Yuridope, Jekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent at E.I.J.
Magaganap ito sa Dec. 11 sa Araneta Coliseum at iba pang remote locations with musical director Raul Mitra.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/292964/beks-battalion-napasabak-sa-dramahan-sa-manananggal-ni-darryl-yap-ginawa-niya-kaming-aktor
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.