Beks Battalion walang inggitan sa career, never pang nag-away sa lalaki: 'Magkakaiba kasi kami ng taste' | Bandera

Beks Battalion walang inggitan sa career, never pang nag-away sa lalaki: ‘Magkakaiba kasi kami ng taste’

Ervin Santiago |May 08,2023
facebook
share this

Beks Battalion walang inggitan sa career, never pang nag-away sa lalaki: ‘Magkakaiba kasi kami ng taste’

Ervin Santiago - May 08, 2023 - 11:53 AM

HINDI kailanman nag-away sa lalaki ang magagaling na komedyante at mga miyembro ng Beks Battalion na sina Chad Kinis, Lassy Marquez at MC Muah.

Yan ang siniguro ng tatlong magkakaibigan nang makachihan namin sa presscon ng kanilang launching movie na “Beks Days Of Our Lives” under Viva Films nitong nagdaang Biyernes, May 5.

Bukod sa isa sa mga bida, si Chad Kinis din ang nagdirek ng movie ng comedy trio. Ito ang kanyang directorial job kaya naman magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman niya ngayon.

Natanong ang tatlong komedyante kung may pagkakataon nang nag-away-away o nag-agawan na sila sa lalaki, ang nagkakaisa nilang sagot, “Never.”

Good thing daw na magkakaiba sila ng tipo sa guy kaya never silang nagkaisyu sa lalaki. Sa tatlong comedian, si Lassy lang daw ang may dyowa sa kanila ngayon na nakabase raw sa ibang bansa.

Ang saya-saya ng presscon ng “Beks Days of Our Lives” dahil may kanya-kanyang punchlines sina Chad, Lassy at MC na ikinaloka ng entertainment press. Dito nga nabanggit ni Chad na dream come true ang pagiging direktor.

Sey ni Chad, na isa sa “Miss Q and A” grand finalist sa “It’s Showtime”, apat na taon siyang nag-aral ng pagiging direktor. Aniya, isa sa mga idol niyang filmmaker ay ang yumaong si Wenn Deramas.

Baka Bet Mo: Chad Kinis certified director na, pero bakit nga ba napaiyak sa presscon ng launching movie ng Beks Battalion?

“Marami naman akong inspirasyon pero I want to create my own path. And if ever, I want to have my own legacy din as a director at sana matupad ko po ‘yun,” ani Chad.

“Pangarap ko rin pong makapagdirek ng ibang artista. Napakalaking karangalan po na maidirek si Meme Vice Ganda. Masasabi ko pong direktor na talaga ako kapag naidirek ko na po ang Reyna ng Komedya sa Pilipinas,” sabi pa ng komedyante.

Ipinagdiinan naman ni MC na hindi uso sa Beks Battalion ang inggitan o insecurity, “Wala sa aming inggitan kasi napag-usapan ‘yun nung nag-uumpisa pa lang kami napag-usapan namin na wala talagang inggitan.

“Tapos magkakaibigan talaga kami,magkakapamilya, so hindi namin hahayaan o pipigilan ang ikakaasenso ng bawat isa, lalo na kung pagkakakitaan,” hirit pa ni MC.

Agree rin si Lassy kay MC, “Kagaya ni Chad, direktor na ngayon, so mas nakakatulong po siya sa grupo namin. Kaya wala pong inggitan sa amin. Kung sino ang meron o palarin na magkaroon ng project na ganito, malaking help po sa amin ‘yun.”

At sa tanong kung may karapatan na ba si Chad na magdirek ng pelikula, sey ni MC, “Yes, oo. Meron. Alam n’yo po si Chad, nag-aral po yan ng directing, pati sa kamera pinag-aralan niya po yan lahat bago po siya nagdirek ng pelikulang ito.”

“Napakatalino po talaga at napaka-brilliant ang mind ni Chad. Lagi ko ngang sinasabi sa kanya, huwag lang siyang sasali sa beauty contest, ‘yun lang talaga. Puwede siyang sumali sa contest pero walang beauty. Ha-hahaha!” hirit pa niya.

Nauna rito, naibalita rin namin na napaiyak si Chad sa mediacon ng “Beks Days Of Our Lives” nang maalala kung paano nabuo ang Beks Battalion.

“This Beks Battalion is an unexpected family. Hindi po namin inasahan na ganito kami magiging katatag, magkakasama bilang pamilya. Nagkaroon ako ng panibagong mga kapatid sa kanila.

“Sa totoo lang po kasi, I’ve been so alone for decades na mag-isang nagtatrabaho, papasok ako ng comedy bar, uuwi akong mag-isa. Nu’ng nagkaroon ng pandemya, nabuo ko ang Ex-Battalion. Parang I found a new purpose sa kanila.

“Hindi lang po ako nagkaroon ng kapatid, nagkaroon ako na pamilya, kasi merong gumagabay sa akin. Nagkaroon po ako ng bagong direksyon sa kanila. Kung sino po ang talagang magiging thankful dito, ako po talaga kasi tinanggap po nila ako,” pahayag ni Chad.

“Tinanggap po nila ako bilang pangatlo sa pamilya nila kaya hinding-hindi ko makakalimutan lagi ang kabaitan nila, ang pagtulong nila. Kung sino po ang tinutulungan, hindi po ako ang nakatulong sa kanila.

“Ako po ang bumuo ng Beks Battalion, pero ako po ang dinala nila pataas kaya super thankful ako sa dalawang ito,” dagdag pa niya.

Showing na ang “Beks Days of Our Lives” sa mga sinehan simula sa May 17 mula sa Viva Films.

Related Chika:

Chad Kinis napaiyak sa presscon ng Beks Battalion concert, pero inokray-okray pa nina Lassy at MC

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beks Battalion napasabak sa dramahan sa ‘Manananggal’ ni Darryl Yap: Ginawa niya kaming aktor!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending