Maymay, Ria, Chie, Enchong, Jake rarampa sa ‘Hot Summer Bikini Ball’ ng Star Magic; Daniel, Donny, Gerald babandera sa All-Star Games
MAS bongga at mas sasaya ang fans ng Star Magic artists ngayong buwan ng Mayo dahil marami silang aabangang pasabog na events na mapapanood nang live sa official Star Magic YouTube channel.
Sa darating na May 4 (Huwebes), mas iinit ang panahon dahil isasagawa ng Star Magic ang kauna-unahang “LaHot Sexy Hot Summer Bikini Ball”.
Dito ibibida nina Maymay Entrata, Ria Atayde, Chie Filomeno, Enchong Dee, at Jake Cuenca ang kanilang confidence at bonggang swimsuits sa isang fashion show gawa ng mga sikat na designers sa bansa.
View this post on Instagram
“Just like the Star Magical Prom, this is a first for Star Magic. The aim of this event is to promote body positivity and tell everyone na we can slay in any shape, size and age,” ang pahayag ni Ria sa ginanap na mediacon para sa announcement ng mga pasabog at paandar na events ng Star Magic.
Magkakaroon din ng isang espesyal na tribute para sa celebrity mommies ngayong darating na Mother’s Day sa pamamagitan ng kauna-unahang “Star MAMAgic Day” sa May 10 (Miyerkules).
Baka Bet Mo: Ria Atayde excited sa pagpapakasal nina Arjo at Maine: I can’t wait!
Ilan sa mga stars na darating kasama ang kanilang mga anak ay sina Jolina Magdangal, Dimples Romana, Vina Morales at Janella Salvador.
“This is a special Mother’s Day treat for all Star Magic mamas. As we all know, bukod sa pagiging artista, marami sa amin are also moms, and sometimes it can really be overwhelming,” sey ni Elisse.
Aarangkada na rin ngayong May 21 (Linggo) ang 2023 All Star Games na talaga namang inaantay ng fans taon-taon.
View this post on Instagram
“Sa All-Star games we promote camaraderie and sportsmanship. Mapapanood ng maa Kapamilya na maglaro at maglaban-laban ang favorite Kapamilya stars nila ng badminton, volleyball and basketball,” ayon kay BGYO member Akira Morishita.
Included in the line up are Daniel Padilla, Donny Pangilinan, and playing coach Gerald Anderson, who will showcase their athletic skills on the court against other Kapamilya artists.
“May mga surprise performances din na dapat nilang abangan,” dagdag pa ni Morishita.
Habang isinasagawa ang mga event na ito, inihahanda na rin ang launch ng limited edition hardcopy portfolio ng “Star Magic Catalogue” sa Hunyo, tampok ang iba’t ibang paboritong stars ng madla.
Fans can expect the limited edition hardcopy of the portfolio featuring Star Magic’s biggest and brightest stars to be released in June.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.