Dina Bonnevie pinaluluhod ng tatay sa munggo para parusahan, pinahabol pa sa aso ang dating boyfriend | Bandera

Dina Bonnevie pinaluluhod ng tatay sa munggo para parusahan, pinahabol pa sa aso ang dating boyfriend

Ervin Santiago |April 16,2023
facebook
share this

Dina Bonnevie pinaluluhod ng tatay sa munggo para parusahan, pinahabol pa sa aso ang dating boyfriend

Ervin Santiago - April 16, 2023 - 06:45 AM

Dina Bonnevie pinaluluhod ng tatay sa munggo para parusahan, pinahabol pa sa aso ang dating boyfriend

Dina Bonnevie at Korina Sanchez

SIGURADONG mawiwindang na naman ang madlang pipol sa mga nakakalokang rebelasyon at pasabog ng seasoned actress na si Dina Bonnevie sa bago niyang interview.

Nakachikahan ng veteran TV host at broadcast journalist na si Korina Sanchez si Ms. D para sa programa nitong “Korina Interviews” na napapanood tuwing Linggo sa NET25.

Dito, marami pa ring naibahagi si Dina na mga kaganapan sa buhay niya na hindi pa alam ng publiko tulad na lang ng isang eksena noong kabataan niya kung saan pinahabol ng tatay niya sa aso ang kanyang boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)


Ayon kay Korina, isa si Dina sa mga female celebrities na gustung-gusto niyang interbyuhin dahil bukod sa napakatotoo nitong tao ay wala ring kinatatakutan dahil talagang palaban, mula noon hanggang ngayon.

“Well kapag si Dina Bonnevie ang inininterbyu ko, walang dull moment, walang tapon ang interview na ito,” pahayag ni Korina patungkol sa award-winning actress.

Feeling nga raw ng dating news anchor, bawat kabanata ng buhay ni Dina ay pasabog na may moment at nalakalokang eksena, base na rin sa naging takbo ng kanilang bonggang-bonggang chikahan.

Nang tanungin ni Korina ang tungkol sa kontrobersyang nangyari sa pagitan nila ng actress at content creator na si Alex Gonzaga, tumanggi na siya magsalita about it.

“I don’t want to talk about Alex Gonzaga,” sabi ni Dina kay Korina. Inamin ng wifey ni Mar Roxas na naguluhan din siya ng slight dahil wala raw siyang kaaalam-alam noon sa mga ganap sa pagitan nina Dina at Alex.

Samantala, knows n’yo ba na nagsimula ang multi-awarded dramatic actress bilang isang beauty queen at pagkatapos nu’n ay naging movie star na nga siya!?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)


At in fairness, hanggang ngayon ay very active pa rin siya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. Aside from that, isa rin siyang certified platinum album singer.

Baka Bet Mo: Dina Bonnevie pinagsabihan ng anak bago umere ang interview kay Tito Boy: Masyado kang honest!

At ngayon naman, isa na siyang political wife. “Thats my biggest problem about politics. I can’t say what I mean, kailangan parating preno,” sabi ng aktres na kilala sa kanyang karera dahil sa pagiging prangka at straightforward magsalita.

“Sobrang interesting sa akin ang background at life story ni Dina. Her father’s influence on her, her acting technique, her advocacy in the north,” ang hirit pang pahayag ni Ate Koring.

Narito ang ilan pang pa-trivia patungkol sa premyadong aktres at maituturing na ring movie icon.

*Pinapaluhod si Dina ng tatay niya sa munggo para parusahan.

*Hate dati ni Danica Sotto ang nanay niya dahil pinapaluhod naman siya nito sa bigas.

*Anak mayaman si Dina pero pinagtitinda sa palengke.

*Nagsuntukan ang dalawang kilalang leading man nang dahil kay Dina.

*She was a headache to award winning director Lino Brocka?

Sure na sure kaming mag-eenjoy ang mga viewers sa mga endless anecdotes ni Dina sa “Korina Interviews,” ngayong Linggo, 5 p.m. sa NET 25.

Alex bugbog uli sa fans matapos mabuking na nagalit kay Nadine dahil mas nauuna pang umiyak sa kanya sa eksena

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending