Dina Bonnevie pinagsabihan ng anak bago umere ang interview kay Tito Boy: Masyado kang honest! | Bandera

Dina Bonnevie pinagsabihan ng anak bago umere ang interview kay Tito Boy: Masyado kang honest!

Therese Arceo |February 09,2023
facebook
share this

Dina Bonnevie pinagsabihan ng anak bago umere ang interview kay Tito Boy: Masyado kang honest!

Therese Arceo - February 09, 2023 - 09:27 PM

Dina Bonnevie pinagsabihan ng anak bago umere ang interview kay Tito Boy: Masyado kang honest

INAMIN ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie na may mga pagkakataon na pinapaalalahanan siya ng mga anak sa tuwing nasasangkot siya sa mga isyu.

Sa kanyang panayam sa talent manager na si Ogie Diaz ay natanong siya ng huli kung pinagsasabihan ba siya ng mga anak niya sa tuwing masasangkot ito sa isyu.

Sinagot naman ito ni Dina at sinabing kamakailan lang, bago umere ang full episode ng kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay tinawagan siya ng anak.

Matatandaang bago ang interview niya kay Ogie ay nagkaroon ang beteranang aktres ng panayam kay Tito Boy sa GMA show nito.

“Bago mag-air yung show ng interview ko sabi niya, ‘Mommy ah, nakita ko, interbyuhin ka ni Tito Boy. I’m just telling you. ‘Wag kang magpa-victim sa mga dialogue. Baka kung ano na naman ang sabihin mo diyan. Alam ko naman tuloy-tuloy ka magsalita. You’re too frank to a fault. Kaya minsan, ‘ayan, that get you into trouble. Masyado kang honest,'” pagbabahagi ni Dina.

Hindi naman sinabi ng aktres kung sino sa mga anak niya ang kanyang inutukoy pero marami ang nagsabing marahil ay si Danica Sotto-Pingris ito.

Ine-expect nga daw ni Dina na magko-comment ito matapos ang kanyang naging interview kay Tito Boy dahil tumawag itong muli sa kanya.

“Tumatawag siya sa akin. Sabi ko ‘Why did you call me? Are you going to comment?’ [Sabi niya] I was gonna make you yaya to go to Switzerland this Christmas,” sabi ni Dina at tinanong pa nang tinanong ang anak na sinabing gusto lang niya itong yayain papintant ibang bansa.

“Sabi ko ‘tigilan mo ko. Ano may comment ka no? Ano? Sasabihin mo na naman mataba ako? Hindi ako fresh’. [Sagot naman ni Danica] No, ofcourse not. I’ll just make you yayato Switzerland,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)

At dahil raw wala itong comment ay siya na ang nag-comment at tinanong kung bakit sinabi nitong may isyu sila ni Pauleen Luna, ang asawa ng ex-husband niyang si Vic Sotto.

Nilinaw naman ni Dina na wala siyang isyu sa “Eat Bulaga” host at inaming wala lang talaga silang mapag-uusapang dalawa.

Related Chika:
Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Alex bugbog uli sa fans matapos mabuking na nagalit kay Nadine dahil mas nauuna pang umiyak sa kanya sa eksena

Dina Bonnevie nag-celebrate ng birthday, may patutsada: Cakes are to be eaten

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending