Halikan nina Janine at Zanjoe sa 'Dirty Linen' trending: 'Ang lakas maka-KDrama, kakabitin!' | Bandera

Halikan nina Janine at Zanjoe sa ‘Dirty Linen’ trending: ‘Ang lakas maka-KDrama, kakabitin!’

Alex Brosas - April 12, 2023 - 06:43 AM

Halikan nina Janine at Zanjoe sa 'Dirty Linen' trending: 'Ang lakas maka-KDrama, kakabitin!'

Zanjoe Marudo at Janine Gutierrez

MARAMI ang affected much sa kissing scene nina Janine Gutierrez as Mila at Zanjoe Marudo as Aidan sa “Dirty Linen”.

When Janine announced their kissing scene on her Instagram account with this caption, “Manalig kay Mila. Oplan Aidan is just getting started!! Don’t forget to catch #DirtyLinen tonight. #DLFirstKiss in a few minutes!!!! @dreamscapeph”, marami ang kinilig pero at the same time ay pinag-iingat siya.

“Walang mintis. Minsan sinasadya ko na lang paabutin ko muna 2-3 episode skip ko kasi pag pa isa-isang episode lang parang mas malala yung bitin sakin.  Kinikilig na ako sa inyo ni aidan. Kdrama feels yung dirty linen every episode ka abang2x.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE ❤️‍🔥 (@janinegutierrez)


“Yung kilig ko sa inyo ni Aidan, mhie. Watched for you, stayed for the kilig.”

“Milaaaa, ba’t ka ganyan?!? Kinikilig ako sa inyo ayyy… pero mag iingat ka Fiero yan grabe magalit pag may manloloko sa kanila!”

“Hala in love na si Aidan kay Mila. May makakapigil pa kaya kay Aidan?”

Baka Bet Mo: Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

“Mala Kdrama talaga tong dirty linen kaso nakakabitin abang na abang ako sa love story ni mila at aidan.”

‘Yan ang reaction ng netizens sa post ni Janine.

Tagumpay na si Mila (Janine Gutierrez) sa pagpapaikot niya kay Aidan (Zanjoe Marudo) dahil tuluyan na itong nahumaling sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zanjoe Marudo by Team Marudo (@zanjoemarudoofficialpagedos)


Handa nang panindigan ni Aidan ang tunay niyang nararamdaman para kay Mila matapos niya itong halikan at nangakong ipaglalaban niya ang kanilang relasyon kahit alam niyang tutol dito ang kanyang pamilya lalo na at kasambahay nila si Mila.

Pabor naman ito kay Mila dahil matagal na niyang plinano na mahulog si Aidan sa kanya para makapasok siya sa pamilya Fiero para mabunyag kung ano ang kinalaman nila sa biglaang pagkawala ng kanyang ina.

Pero nanganganib ang relasyon ng dalawa dahil hanggang ngayon, wala silang kamalay-malay, maliban sa nanay ni Aidan na si Leona (Janice de Belen), na matagal nang hiwalay sina Aidan at ex-girlfriend nitong si Sophie (Elisse Joson).

Sa oras na lumabas ang katotohanan sa estado ng kanilang relasyon, magiging malaking gulo ito dahil umaasa ang mga Fiero kay Aidan na isara ang isang multi-million business deal kasama ang pamilya ni Sophie.

Hindi lang si Aidan ang tataya sa ngalan ng pag-ibig dahil handa nang isugal ni Mila ang lahat para lang sa hustisya kaya kailangan na rin niyang mag-doble ingat.

Delikado na rin kasi ang sitwasyon ni Mila ngayon dahil may posibilidad na masangkot siya sa kaso ni Lala (Jennica Garcia), ang kaibigan niya na naghihiganti rin sa mga Fiero at kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis.

Ano ang kayang gawin ng mga Fiero kay Mila kapag nalaman nila ang relasyon nito kay Aidan? ‘Yan ang kaabang-abang.

John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janice de Belen sa trending scene sa ‘Dirty Linen’: Huwag niyo pong gagawin ‘yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending