Pamilya ni Ria Atayde botong-boto kay Zanjoe Marudo: 'Nakaalalay lang sila, nakaantabay sa mga ganap ng life ko' | Bandera

Pamilya ni Ria Atayde botong-boto kay Zanjoe Marudo: ‘Nakaalalay lang sila, nakaantabay sa mga ganap ng life ko’

Ervin Santiago |January 19,2023
facebook
share this

Pamilya ni Ria Atayde botong-boto kay Zanjoe Marudo: ‘Nakaalalay lang sila, nakaantabay sa mga ganap ng life ko’

Ervin Santiago - January 19, 2023 - 07:45 AM

Pamilya ni Ria Atayde botong-boto kay Zanjoe Marudo: 'Nakaalalay lang sila, nakaantabay sa mga ganap ng life ko'

Ria Atayde at Zanjoe Marudo

MATIBAY na ang pundasyon ng relasyon ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo na very open na ngayon sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Finally, lantaran nang inamin ng dalawang Kapamilya stars ang tunay na estado ng kanilang relasyon makalipas ang ilang buwan mula nang mapabalitang nagde-date nga sila.

Kuwento ni Ria sa presscon ng bago niyang endorsement, ang pagiging 2023 calendar girl ng White Castle Whiskey, nagsimula sila ni Zanjoe bilang magkaibigan bago nagkainlaban.

“Getting to know each other on that level and then progressing is always a beautiful story,” pahayag ng aktres at movie producer.

Sabi pa ni Ria, hangga’t maaari ay nais nila ni Zanjoe na maging private muna ang kanilang relasyon para makaiwas na rin sa mga tsismis at intriga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde (@ria)


“I know I am a public figure and that does come with the territory. Pero feel ko, the status is already so public.

“Why do I have to make other things about it public? Like okay na ako na alam ng tao. Okay na ‘yun.

“But to have the ins and outs known pa, parang okay na akong huwag na. I think hindi namin pinag-usapan pero we’re in agreement,” aniya pa.

Samantala, nagpapasalamat din siya dahil tanggap na tanggap ng kanyang pamilya si Zanjoe at feeling naman daw niya ay boto ang kanyang magulang at mga kapatid sa aktor.

“Important sa akin ang family. It should always be the opinions of those who matter to you that should matter to you. And that matters.

“Dad likes him naman din. My family is very supportive. Nakaalalay lang sila. Nakaantabay sa mga ganap ng life,” aniya pa.

Mismong ang ina ni Ria na si Sylvia Sanchez na ang nagsabi na okay na okay sa kanya si Zanjoe at kung sino raw ang mahal ng kanyang mga anak ay tatanggapin at mamahalin din niya.

Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: ‘Masyado pang maaga’

Sylvia Sanchez ibinuking sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo: Sabi sa akin ‘dating’ pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending