Janine Gutierrez may pa-reveal kay Kuya JR, netizens bumati sa 3rd 'iwan anniversary' | Bandera

Janine Gutierrez may pa-reveal kay Kuya JR, netizens bumati sa 3rd ‘iwan anniversary’

Therese Arceo - March 01, 2023 - 06:55 PM

Janine Gutierrez may pa-reveal kay Kuya JR, netizens bumati sa 3rd 'iwan anniversary'

FINALLY ay ipinakita na ng aktres na si Janine Gutierrez sa madlang pipol ang kanyang trending driver na si Kuya JR.

Muli kasing nabuhay sa social media ang naging tweet noon ng aktres kung saan ibinahagi niya ang pag-iwan sa kanya ni Kuya JR nang mag-withdraw ito ng pera.

At kahit nga tatlong taon na buhat nang nangyari ang trending na eksena ni Janine ay hindi pa rin ito nakakalimutan ng mga netizens.

Tweet niya noon, “BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street.

“Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko. Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siya ng Mandaluyong galing Makati ano po.”

Dagdag pa ni Janine, naki-text pa raw siya sa isang lalaki para ma-contact ang kanyang Papa dahil hindi niya kabisado ang number ng kanyang driver. Ito na ang tumawag kay Kuya JR na ang buong akala ay nasa likod lang niya ang dalaga.

At bilang paggunita sa “pang-iiwan” sa aktres ay binati siya ng mga netizens.

Nag-post naman si Janine sa kanyang Twitter account upang ipakilala ang nag-iisang Kuya JR.

“Para sa mga fans ni Kuya JR, binati ko na siya ng happy 3rd pang-iiwan anniversary for you. Salamat sa pagpapaalala samin,” pabirong saad ng aktres.

“Parang gusto niya ko iwanan sa picture na to but anyway – ok lang. Basta wag sa kotse,” hirit pa ni Janine.

Chika ng isang netizen, “Ito lang ‘yung pang-iiwan na happy.”

“Swerte naman ni Miss Janine nakapagpapicture siya kay Kuya JR,” sey naman ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “3 years na pala mula nung iwan ka ni Kuya JR memsh. Ang bilis ng panahon!”

Looking forward naman ang mga netizens sa mas marami pang funny moments ni Janine kasama ang kanyang driver na si Kuya JR.

 

Related Chika:
Janine na-shock: Babala, lahat talaga nang-iiwan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janine naranasan na ang online landian: Ako yung tipo na gustong subukan lahat

Janine Gutierrez sa nang-iintriga kung buntis siya: Sana masarap din kain mo!

Janine Gutierrez may kwelang ‘before and after’ photo; hindi inaakalang mag-aartista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending