Janine naranasan na ang online landian: Ako yung tipo na gustong subukan lahat | Bandera

Janine naranasan na ang online landian: Ako yung tipo na gustong subukan lahat

Reggee Bonoan - April 05, 2021 - 05:52 PM

SAKTO talaga ang pelikulang “Dito at Doon” ngayong ECQ (enhanced community quarantine) season 2 dahil nasa lang bahay ang karamihan sa atin lalo na ‘yung mahilig manood ng series o pelikula sa online platform.

Ang gaganda ng reviews sa karakter nina Len (Janine Gutierrez) at Caloy (JC Santos) na nagkagustuhan kahit hindi pa nagkikita nang persona. Aliw din ang mga kasama nila sa movie na sina Yesh Burce as Jo at Victor Anastacio bilang Mark.

Kaya naman masaya ang mga producers ng TBA Studios dahil malakas ang ticket sales nito at nag-exceed pa nga sa expectation nila ana over-all result ng “Dito at Doon” kasama na ang positive reviews.

Ang daming gustong makapanood nito sa ibang bansa kaya nagtatanong kung kailan magkakaroon ng global streaming ang pelikula.

Sa Pilipinas palang kasi palabas ang “Dito at Doon” na napapanood sa limang major online streaming platforms — KTX.ph, Cinema ’76 @ Home, iWant TFC, Upstream at Ticket2Me.

Anyway, kung puwede nang bakunahan ang mga ordinaryong netizens ay gustong mag-avail nina JC at Janine para sa kaligtasan nila pati na rin angvpamilya nila lalo na pag-uwi nila ng bahay galing ng trabaho.

Pero sa kasalukuyan ay pawang frontliners muna ang inuunang maturukan ng anti-COVID vaccine na pabor naman si Janine lalo’t ang karakter ng nanay niya sa pelikula ay isang health worker na ginagampanan ni Lotlot de Leon.

“Kasi ang dapat naman talaga unahin ay health workers tapos frontliners, mga senior. Bakit ganu’n di ba? Hindi ko rin maintindihan kung paano nila nakaya na unahan ‘yung mga tao na mas nangangailangan.

“’Yung mga frontliner natin ang tagal nang nagsasakripisyo para lang matulungan lahat ng naghihirap, nagkakasakit. Deserve talaga na sila dapat ang i-prioritize natin pagdating sa bakuna,” saad ng aktres.

At dahil sa tumataas pa ring kaso ng COVID-19 infection sa bansa ay pabor na pabor talaga kay Janine ang lock-in shooting at taping.

“Okay’ yung experience ko rito sa pelikula namin kasi ang galing talaga ng TBA mag-alaga. Safe, ‘yung oras bilang na bilang. Pero hindi kasi ganu’n ang nangyayari sa lahat ng lock-in.

“Meron ding mga bali-balita na hindi masyadong nasusunod sa iba at nahihirapan ang mga artista. So kung TBA, okay ako and it also helps na dati kasi segue-segue, so, bukas ikaw si Len tapos sa susunod ikaw si Dragon Lady (natawa), di ba?

“So medyo it was easier na tulut-tuloy. For me, alam ko ‘yung mga may pamilya like JC or ‘yung mga nanay na meron pang may mga batang anak, alam ko mahirap talaga ‘yung ganitong klaseng set up,” paliwanag ng aktres.

Anyway, dahil “online landian” ang isa sa tema ng “Dito at Doon” ay inamin ni Janine na nasubukan na rin niya ito.

“Pero kasi ako inuunahan ko kasi. Kung feeling ko na hindi naman kayo magwo-work, ika-cut ko na ‘yung communication namin. So na-experience ko na yung online landian. Pero pag feeling ko wala na, inuunahan ko na yun,” pag-amin ng dalaga.

“Medyo na-experience ko na ‘yan eh, and ako kasi ‘yung type ng girl na gusto ko subukan ko lahat so. I’ll try to fix it or maghintay, baka naman kailangan lang ng space.

“Pero you really can’t force someone to stay if they don’t want to stay. Kailangan alam mo dapat kung kelan dapat suko na. Parang awat na, dapat alam mo din talaga. It’s easier lang talaga for me na subukan lahat para madali rin maka-move on. Kasi pag sinubukan mo lahat, no regrets,” sabi pa ng dalaga.

At dahil may season 2 nga ang lockdown ay thankful ang aktres na may trabaho pa rin siya at lahat ng bagay na meron siya maliit o malaki ay sobra niyang ipinagpapasalamat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang hirap maging inspirational minsan. Ang sinusubukan ko lang gawin based on my experience, ita-try ko na laging magpasalamat sa kung ano ‘yung nandito pa rin. Every morning is a blessing. Kahit yung maliliit na bagay ipagpasalamat natin,” sabi ni Janine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending