Janine Gutierrez sa nang-iintriga kung buntis siya: Sana masarap din kain mo! | Bandera

Janine Gutierrez sa nang-iintriga kung buntis siya: Sana masarap din kain mo!

Therese Arceo |December 20,2022
facebook
share this

Janine Gutierrez sa nang-iintriga kung buntis siya: Sana masarap din kain mo!

Therese Arceo - December 20, 2022 - 01:59 PM

Janine Gutierrez sa nang-iintriga kung buntis siya: Sana masarap din kain mo!
MAY isang netizen ang tila nagtatanong sa Kapamilya actress na si Janine Gutierrez kung nagdadalangtao nga ba ito.

Nag-post kasi ang aktres ng larawan sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang ka-love team na si Paulo Avelino.

Ito ay kuha sa nagdaang ABS-CBN Christmas Special 2022 na nangyari noong Sabado, December 17.

“Merry Christmas,” caption ni Janine.

Umani naman ng iba’t ibang komento ang naturang post ng aktres mula sa mga fans at supporters nila ni Paulo.

“Sobrang bagay talaga kayo! Buti pa kayo simple lang hindi katulad nong dalawa napaka OA,” comment ng isang fan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Sey naman ng isa, “Merry talaga kami this Christmas dahil din sa inyo. #PauNine salamat sa sorpresa.”

“We love you so much Janine and Paulo, kayo talaga the best ever!!” saad naman ng isa pa.

Noon pa man ay hinihinala nang mayroong relasyon ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang mga ito ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa kabila naman ng mga kilig comments ng netizen ay may isang nakapansin sa tiyan ni Janine.

Tanong ng netizen, “[Preggy] ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo[?]”

Malumanay naman itong sinagot ni Janine at sinabing, “PMS bloat actually and I’ve been holiday eating since wala pang taping. It’s okay to enjoy the off season [smile] Diet na ulit after Christmas.”

Dagdag pa niya, “Sana masarap din kain mo this December [smile emoji].”

Agad namang nag-sorry ang netizen kay Janine sa naitanong nito.

“I hope you don’t get mad at me. I hope you don’t mind my comment because I saw it in a post too. I thought you were pregnant. I’m really sorry. Merry Christmas,” hinging paumanhin ng netizen.

Related Chika:
Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…

Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n’yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl

Janine, Diego feeling lucky sa 50th birthday ni Lotlot: We love you so much!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janine Gutierrez may kwelang ‘before and after’ photo; hindi inaakalang mag-aartista

Janine Gutierrez, Paulo Avelino naghiwalay na raw kahit hindi pa inaamin ang relasyon sa publiko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending