Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga... | Bandera

Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…

Ervin Santiago - September 06, 2021 - 08:43 AM

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

NAPANOOD na namin ang pilot week ng kauna-unahang teleserye ni Janine Gutierrez sa ABS-CBN na “Marry Me, Marry You” kung saan makakatambal niya si Paulo Avelino.

Perfect kina Janine at Paulo ang kanilang mga karakter at sure na sure kami na may bago na namang susubaybayan ngayon ang mga Kapamilya viewers.

In fairness, sa unang episode pa lang ay siguradong tatawa at iiyak na kayo dahil mga makabagbag-damdaming eksena nina Lotlot de Leon, Cherry Pie Picache, Vina Morales at Lotlot de Leon.

Si Lotlot ang gaganap na nanay ni Janine sa kuwento ngunit mamamatay ito dahil sa cancer kaya ang tatlong ninang niya ang magpapalaki sa kanya at dito na nga magsisimula ang makulay, masalimuot ngunit nakakakilig na buhay niya.

“Yung mommy ko namatay nu’ng bata pa lang ako kaya masuwerte ako na nakahanap ako ng pamilya sa mga kaibigan,” patikim na kuwento ni Janine.

Sa ginanap na virtual mediacon ng serye, sinabi ni Lotlot na napakasaya ng naging experience niya sa una niyang serye sa Kapamilya network.

“I’m so happy to be here and to be doing this and naramdaman ko yung alaga ng Dreamscape from the start because tinanong kung anong gusto ko, kung anong hindi ko pa nagagawa, kung gusto ko ba ng light or gusto ko ba ng drama.

“And sobrang na-appreciate ko na nagma-matter kung ano ang gusto ko and kung ano yung gusto ko pang matutunan.

“And gusto ko makatrabaho itong napakagaling na cast and mga director so I feel so lucky talaga to be doing this show with Dreamscape and ABS-CBN and I’m so excited na excited din kayo,” pahayag ng dalaga sa presscon ng “Marry Me, Marry You.”

Kung may isang life lesson na nagmarka kay Janine sa paggawa ng serye ito ay ang, “That the family you choose sometimes can be as strong or stronger than yung kapamilya mong kadugo.

“Kasi minsan naman sa buhay iba-iba tayo ng mga sitwasyon sa pamilya natin pero nabibigyan tayo ng pamilya na napipili natin, whether it be kaibigan or ninang or barkada ng nanay mo. 

“And na-experience ko rin sa personal kong buhay na yung mga kabarkada din ng nanay ko inalagaan kami, pinalaki kami at times so I think madaming makaka-relate sa ganu’ng sitwasyon. 

“And hindi lang naman yung traditional sense ng pamilya ang tunay na makakapagbigay sayo ng pagmamahal,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Ako bilang babae isa sa mga pinakana-appreciate ko is kapag nililigawan din yung pamilya ko and especially yung nanay ko, yung makuha mo yung approval ng nanay ko.

“And si Camille (karakter niya) tatlo pa yun nanay so yun yung alam ko na totoo din sa totoong buhay. Kailangan talaga mahalin din yung pamilya,” kuwento pa ni Janine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Marry Me, Marry You” simula sa Sept. 13 sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending