Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n'yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl | Bandera

Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n’yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl

Ervin Santiago |August 11,2022
facebook
share this

Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n’yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl

Ervin Santiago - August 11, 2022 - 06:49 AM

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

 

 

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin umaamin ang Kapamilya stars na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kung ano na ba talaga ang real score sa kanilang relasyon.

Marami ang naniniwala na magdyowa na ang dalawa base na rin sa mga ikinikilos ng mga ito, idagdag pa ang mga “paramdam moments” nila sa isa’t isa sa social media.

Pero until now nga ay waley pa ring kumpirmasyon at diretsahang pag-amin sina Paulo at Janine kung magdyowa na ba sila o nasa ligawan stage pa lang.

Balitang mas naging close pa ang dalawa nang magkasama sa Amerika para sa US concert tour ni Ogie Alcasid ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

At bago nga ito, balitang na-develop ang feelings nina Janine at Pau nang gawin nila ang hit Kapamilya series na “Marry Me, Marry You”.

Sa isang interview, natanong nga si Janine kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ni Paulo. Tugon ng dalaga, “We see each other. Kaya lang pareho rin kaming busy kasi maraming trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


“Maraming blessings na dumarating and I’m so thankful for all the wonderful opportunities coming my way,” paglilinaw niya.

At sa diretsahang tanong kung nanliligaw na ba sa kanya ang aktor, “Ewan ko. Ha-hahaha! Ang daya naman kasi wala siya rito, e. Dapat siya ang tanungin n’yo.

“Alangan namang ako pa ang sumagot sa ganyang tanong, e ako yung girl,” ang tawa pa rin nang tawang sagot ng aktres.

Sundot na tanong pa sa dalaga, “Type mo ba si Paulo?” “He’s very supportive, very encouraging. Like itong ‘Sleep with Me’ (digital series nila ni Lovi Poe), he knows we’re promoting it so he gives me words of encouragement at malaking bagay yun coming from someone like him.

“He says he wants to see ‘Sleep with Me’ kasi friend din niya si Lovi as they’ve worked together before. I’m happy that he is excited to watch it as I will appreciate his opinion about it. I hope he gets to like it,'” kuwento pa niya.

Samantala, request naman ng fans nila ni Paulo, sana raw ay magkaroon na ng follow-up ang “Marry You, Marry Me”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, they tweet us constantly. They make a collage of our pictures together. They miss us daw. So sana nga, we can get to work again together in the near future,” sey ni Janine.

Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Janine biglang napaiyak sa presscon ng ‘Ngayon Kaya’: Nalulungkot ako…kaya when I get married, sana forever na

Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending