Janine Gutierrez may kwelang 'before and after' photo; hindi inaakalang mag-aartista Bandera

Janine Gutierrez may kwelang ‘before and after’ photo; hindi inaakalang mag-aartista

Therese Arceo |October 15,2021
share this

Janine Gutierrez may kwelang ‘before and after’ photo; hindi inaakalang mag-aartista

Therese Arceo October 15, 2021 - 01:44 PM

Janine Gutierrez is smiling while wearing red, polka dot long sleeve blouse.

NAKAKALOKA ang mga litrato na in-upload ng aktres na si Janine Gutierrez sa kanyang Instagram account.

May dalawang litrato kasi itong in-upload kung saan ang isa ay litrato nila noong bata pa at ang pangalawa ay noong lumaki na sila kasama ang kaniyang mga kamag-anak sa Gutierrez side.

Tila relate rin ang aktres sa pelikulang “Princess Diaries” kung saan nagkaroon ng bonggang glow up ang bida na si Anne Hathaway.

“If you remember that transformation scene in Princess Diaries, super relate! But unlike Mia, I kinda knew my grandparents and relatives were showbiz royalty,” saad ng aktres.

Aniya, nalaman niya ito noong Grade 2 siya nang makita niya sa kaniyang Sibika book, sa Sining chapter ang kaniyang Mamita (Pilita Corales) at Mama Guy (Nora Aunor).

Ikinuwento rin niya na noong high school siya ay marami ang nanghihingi sa kaniya ng studio pic ng tito nitong si Richard Gutierrez.

Marami naman ang naaliw at napa-comment sa post ng dalaga lalo na ang mga kasama sa larawan.

“I wad not mentally prepared for this tagged photo,” sey ni Raymond Gutierrez.

Reply naman ni Janine, “HAHAHAHAHA. Extra unfair cause you’re also not in the glow up photo.”

Mukha namang nagtampo si Ruffa dahil wala siya sa before photo.

“Awwwww why am I not in the “noon/before” pic? Haha! Miss you! Love you fambam!” saad ni Ruffa.

Chika pa ni Janine, hindi raw niya inaakala na magiging artista siya at mauuwi sa kaparehas na industriya tulad ng kaniyang mga magulang at kamag-anak.

“I used to resent it because my parents’ schedules were so unpredictable when ai was growing up and I was also super shy but here we are! Lesson is never say never,” kuwento nito.

“Hi fam!! Thank you for the inspiration, hard work and for opening doors for us. So grateful for you,” sey pa niya.

Karagdagang ulat:
Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…
Janine naranasan na ang online landian: Ako yung tipo na gustong subukan lahat
Janine kay Rayver: Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko, kung ano talaga ako

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending