Janine kay Rayver: Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko, kung ano talaga ako | Bandera

Janine kay Rayver: Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko, kung ano talaga ako

Ervin Santiago |May 07,2021
facebook
share this

Janine kay Rayver: Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko, kung ano talaga ako

Ervin Santiago - May 07, 2021 - 01:23 PM

WALANG itinago si Janine Gutierrez tungkol sa kanyang pagkatao simula pa noong magkakilala sila ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.

Ito ang rebelasyon ng bagong Kapamilya star nang matanong hinggil sa relasyon nila ni Rayver at kung paano nila napapanatiling matatag ang kanilang pagsasama bilang magdyowa.

Ayon sa dalaga, napakagaang dalhin ng relasyon nila ng aktor dahil wala silang malalalim at mga kumplikadong issue sa buhay.

“Masaya. Tsaka madali lang. Palaging sinasabi ng nanay ko na dapat ganun daw ‘yung hanapin mo, ‘yung parang madali lang.

“Tapos hindi ko maintindihan, ano bang ibig sabihin nu’n? Kasi, ‘di ba ‘pag mas bata ka akala mo ‘yung mga drama, ‘yung mga ganyan, ibig sabihin okay ‘yang mga ganyan,” kuwento ng award-winning actress sa unang guesting niya sa morning talkshow ng ABS-CBN na “Magandang Buhay”.

Patuloy pang kuwento ng dalaga, “Pero nu’ng nakilala ko si Rayver, sabi ko, ‘Ah, ito pala ‘yung sinasabi ng mommy ko.'” Na ang tinutukoy nga ay ang kanyang inang si Lotlot de Leon.

Lahad pa ni Janine, simula pa lang ng pagsasama nila ni Rayver ay ipinakita na niya kung sino siya at ganu’n din naman daw ang ginawa ng aktor kaya mas naging madali para sa kanila ang pag-aalaga sa isa’t isa.

“So alam mo ‘yun, hindi ako nag-adjust. Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko. Hindi ako nag-effort magpaganda, mga ganyan.

“Ipinakita ko sa kanya kung ano talaga ako nang buong-buo, at ngayon masasabi ko na tanggap niya ako nang buong buo,” sey ng aktres.

Kabisadung-kabisado na rin daw ng binata ang ugali niya pati na ang kanyang mood swings, “Alam mo ‘yung kayang kaya niya lahat ng araw ko kung isang araw malungkot ako or marami akong iniisip.

“‘Yung alam na alam niya kung paano ako kausapin. Tsaka ramdam ko na wala akong kailangang itago o baguhin tungkol sa sarili ko.

“Sobrang generous niya at mabait, lalo na sa pamilya,” papuri pa ni Janine sa kanyang boyfriend.

Samantala, mapapanood na si Janine sa kanyang kauna-unahang “Maalaala Mo Kaya” episode ngayong Sabado, Mayo 8, sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito, looking forward na rin ang dalaga sa first teleserye niya bilang Kapamilya, ang “Marry Me Marry You” kasama sina Paulo Avelino, Sunshine Dizon at Jake Ejercito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending